Marangal na pamumuhay para sa ating mga mamamayan, pangako ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian kasabay ng groundbreaking ceremony ng 7.5 hectares na lupang pagtatayuan ng housing project ng Lungsod ng Malolos.

Ang housing project ng Lungsod ng Malolos ay magkakaroon ng apat na palapag at 48 units kada building. Ang bawat unit ay magkakaroon ng sukat na 4x6m, sapat para sa mag-asawa at para sa maliit na pamilya.

Ayon kay Punong Lungsod Bebong Gatchalian, ang pangarap na ito ay nagsimula pa noong 2004 kasabay ng Northville 8 Project at sa tulong ng iba’t ibang miyembro ng pamayanan at kawani ng gobyerno ay naisakatuparan ngayong 2022.

Layon ng housing project na magbigay ng pabahay sa 4500 pamilya kung saan 1000 units ay ilalaan para sa mga nasa danger zones o yung mga nakatira sa daanan ng tubig gaya ng ilog samantalang ang natitirang 3500 naman ay para sa mga walang sariling tahanan, low income earners at informal workers.

Kabilang sa mga dumalo sa groundbreaking ceremony sa Brgy. Bangkal nitong ika-18 ng Pebrero ay ang mga department heads ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni City Administrator Luisito Zuñiga, PltCol Christopher Leaño, CINSP Roderick DJ. Marquez, NHA representative Leonora C. Nagales at Rico Abueva, mga benepisyaryo mula sa Balayong Project, Kap. Marvin Casim kasama ang mga konsehal ng Brgy. Bangkal, Kon. Niño Bautista, Kon. Ega Domingo, Kon.Mikki Soto, Kon. Rico Capule, at Kon. Kiko Castro.