Nagamit sa unang pagkakataon ang Malolos City Mobile Clinic alinsunod sa direktiba ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga Malolenyo.

Ang mga Senior Citizens ay nagmula sa iba’t-ibang barangay na nasasakupan ng Rural Health Unit 1 ang nakatanggap ng libreng X-Ray . Ayon kay Rowena De Leon Sanitation Inspector I at namamahala ng naturang Mobile Clinic, Ito ay panimula pa lamang ng isang programang makapagbibigay ng libreng serbisyo medikal sa bawat Malolenyo.

Samantala, may 7 indigent Malolenyos ang nabigyang pagkakataon na makapagpa X- Ray ng libre.