
Ang bawat set ay naglalaman ng:- 1 unit ng monofiliament nylon net- 2.5kg lead sinker- 210 pcs. rubber floateer- 3 rolls polyethelene rope #4- 2 spools netting twine- 2pcs. netting needle
Sa mensahe ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian, layunin ng Pamahalaang Lungsod na maiangat ang pamumuhay ng lahat ng miyembro at sektor ng ating pamayanan. Kung kaya naman hinimok niya ang mga mangingisda na patuloy na mangarap at sa pinagsamang tulong ng pamahalaan at ng kanilang pagsisikap, hindi malayo na matupad ang mga pangarap na ito.
Ibinalita din ng Punong Lungsod ang patungkol sa mga programa ng lungsod para sa mga magsasaka at mangingisda kagaya ng pagbili ng kiskisan ng lungsod upang matulungan naman ang mga magsasaka.
Ang programa ay isinagawa nitong ika-23 ng Marso, 2022 at dinaluhan ni City Administrator Luisito Zuñiga, City Agriculturist Romeo Bartolo at Kon. Rico Capule.