Sa ilalim ng patnubay ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa pangangasiwa ni Konsehal John Vincent “JV” Vitug III, matagumpay na naisagawang muli ang programang “Let’s be Healthy Together” na ginanap sa Marcelo H. Del Pilar National High School.

Tinatayang 250 hanggang 300 na guro at non-teaching personnel ng MHPNHS ang naging benepisyaryo at naabutan ng libreng tulong medikal.

Katuwang pa rin sa pagbibigay ng serbisyong medikal ang TeleCure Medical and Diagnostic Center kung saan nagkaroon ng libreng konsultasyon, checkup sa mata, laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS) at 12-L ECG. Gayundin, ang pagbibigay ng mga libreng gamot.

Nagpakita rin ng suporta si Konsehal Vitug, kaagapay si SK Chairman Loreto P. Cabaltea at SK Kagawad Bien Santiago ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Bagong Bayan.

Sa huli, taos puso ang pagpapasalamat ni Dra. Ma. Victoria Vivo, Principal IV ng MHPNHS, sa pagkakaroon ng ganitong klaseng programa sa kabila ng kawalan ng oras at panahon ng mga guro na magpacheck up. Ayon sa kaniya, sa pamamagitan ng programang ito ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagpatingin.

Inaasahan na magpapatuloy ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa ilan pang mga barangay sa lungsod ng Malolos.