Nasa 231 na mag-asawang Malolenyo ang nakatanggap ng insentibong nagkakahalaga ng โ‚ฑ5,000 sa Malolos Sports and Convention Center nitong ika-17 ng Disyembre 2024. Ang programa ay kauna-unahang inisyatiba na nagbibigay-pugay sa mga mag-asawang umabot sa kanilang ginintuang anibersaryo o 50 taon ng pagsasama, bilang pagkilala sa kanilang matatag na pag-iisang dibdib.

Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office- Population and Welfare Division (CSWDO-POPCOM) sa pamumuno ni Joemari S. Caluag, Population Officer IV, naging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Layunin ng programa na maipakita ang pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga huwarang pamilya na nagsilbing inspirasyon sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang wagas na pagmamahalan, katatagan, at pagtutulungan.

Kung matatandaan, isinagawa ang ebalwasyon noong Nobyembre 2024 kung saan 231 na mag-asawa ang kwalipikado at napabilang sa listahan na makakatanggap ng insentibo. Ayon sa ๐Š๐š๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐๐ฅ๐ . ๐Ÿ๐Ÿ-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, karapat-dapat na mabigyan ng benepisyo ang mga mag-asawang nagdiriwang ng kanilang 50 taon ng kasal at naninirahan sa lungsod ng Malolos nang hindi bababa sa anim na taon.

Sa unang bahagi ng programa, pinangunahan ni Rev. Msgr. Pablo S. Legaspi Jr., P.C. ang banal na pagdiriwang at ibinahagi ang kanyang mensahe tungkol sa apat na uri ng kasal. Una rito ang โ€œ๐‘€๐‘Ž๐‘‘๐‘’ ๐‘–๐‘› ๐ป๐‘’๐‘Ž๐‘ฃ๐‘’๐‘›โ€, na tumutukoy sa magagandang pisikal na katangian ng mag-asawa. Pangalawa naman ay ang “Nadaaan sa Diskarte”. Ikatlong uri naman ang “๐‘‡๐‘Ÿ๐‘ข๐‘’ ๐ฟ๐‘œ๐‘ฃ๐‘’”, na sumasagisag sa pagmamahalang tapat at wagas. At panghuli ay ang “Kapwa Ko, Mahal Ko”, na sumasalamin sa malalim na pag-unawa, pagtanggap, at respeto ng mag-asawa sa isaโ€™t isa.

Binigyang-diin din niya ang konsepto ng pag-ibig mula sa 1 Corinthians 13:4โ€“8a (ESV) ๐ฟ๐‘œ๐‘ฃ๐‘’ ๐‘–๐‘  ๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘’๐‘›๐‘ก ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘˜๐‘–๐‘›๐‘‘; ๐‘™๐‘œ๐‘ฃ๐‘’ ๐‘‘๐‘œ๐‘’๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘’๐‘›๐‘ฃ๐‘ฆ ๐‘œ๐‘Ÿ ๐‘๐‘œ๐‘Ž๐‘ ๐‘ก; ๐‘–๐‘ก ๐‘–๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘œ๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘ก ๐‘œ๐‘Ÿ ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘‘๐‘’. ๐ผ๐‘ก ๐‘‘๐‘œ๐‘’๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘–๐‘›๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘ก ๐‘œ๐‘› ๐‘–๐‘ก๐‘  ๐‘œ๐‘ค๐‘› ๐‘ค๐‘Ž๐‘ฆ; ๐‘–๐‘ก ๐‘–๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘–๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘–๐‘ก๐‘Ž๐‘๐‘™๐‘’ ๐‘œ๐‘Ÿ ๐‘Ÿ๐‘’๐‘ ๐‘’๐‘›๐‘ก๐‘“๐‘ข๐‘™; ๐‘–๐‘ก ๐‘‘๐‘œ๐‘’๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘Ÿ๐‘’๐‘—๐‘œ๐‘–๐‘๐‘’ ๐‘Ž๐‘ก ๐‘ค๐‘Ÿ๐‘œ๐‘›๐‘”๐‘‘๐‘œ๐‘–๐‘›๐‘”, ๐‘๐‘ข๐‘ก ๐‘Ÿ๐‘’๐‘—๐‘œ๐‘–๐‘๐‘’๐‘  ๐‘ค๐‘–๐‘กโ„Ž ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ก๐‘Ÿ๐‘ข๐‘กโ„Ž. Aniya, ang pagmamahal sa pamilya ang daan upang maging malapit sa Panginoon.

Sa ikalawang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe si Konsehala Therese Cheryll โ€œAyeeโ€ Ople, ang may-akda ng ordinansa. Ayon kay Ople, isinulong niya ang Kautusang Panlungsod mula sa inspirasyon ng kanyang personal na karanasan bilang solo parent. Hanga siya sa mga mag-asawa na aniyaโ€™y para nang mga bayani at martir dahil sa katatagan ng kanilang pagsasama sa kabila ng mga hamon.

Dagdag pa niya, ang programa ay simbolo ng pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa mga Malolenyo na nagpakita ng wagas na pagmamahalan, na nagsilbing pundasyon ng matatag na pamilya at lipunan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista sa lahat ng dumalo sa pagdiriwang, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahalan at pagkakaisa sa bawat pamilya. Ayon kay Bautista, isa sa pinakamahalagang institusyon sa lipunan bukod sa gobyerno ay ang pamilya. “๐‘‡โ„Ž๐‘’ ๐‘œ๐‘›๐‘™๐‘ฆ ๐‘ก๐‘Ÿ๐‘’๐‘Ž๐‘ ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘กโ„Ž๐‘Ž๐‘ก ๐‘ค๐‘’ ๐‘๐‘œ๐‘ข๐‘™๐‘‘ ๐‘๐‘Ÿ๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘› โ„Ž๐‘’๐‘Ž๐‘ฃ๐‘’๐‘› ๐‘–๐‘  ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘“๐‘Ž๐‘š๐‘–๐‘™๐‘ฆ,” aniya, na nagpapakita ng kanyang paniniwala na ang pamilya ang pinakamatatag na yaman na maaaring panghawakan ng sinuman.

Ibinahagi naman ni Konsehal Abgdo. Niรฑo Carlo Bautista ang mga karaniwang senaryo na madalas na nararanasan ng mga mag-asawa sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Kanyang binigyang-diin ang iba’t ibang hamon at sitwasyon na kinakaharap ng mga mag-asawa, pati na rin ang kanilang mga paraan upang malagpasan ang mga ito.

Sa ikatlong bahagi ng pagdiriwang, itinampok ang mga nakaka-inspire na kuwento ng siyam na mag-asawa mula sa ibaโ€™t ibang barangay sa Lungsod ng Malolos. Ibinahagi ang kanilang pagmamahalan, karanasan, sakripisyo, at tagumpay sa kanilang mahigit limampung dekadang pagsasama, na nagbigay inspirasyon sa mga dumalo sa programa.

Ito ay sa pangangasiwa ng Malolos City Information Division sa pamumuno ni Regemrei P. Bernardo, Supervising Administrative Officer IV, naitampok ang sampung elemento ng mabuting pag-aasawa na nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng matatag at pangmatagalang relasyon kabilang na rito ang kasiguruhang pinansyal, pagmamahal at respeto, wasto at bukas na komunikasyon, maayos na kalusugan at kaisipan, pagsasaalang-alang sa damdamin, pagtitiwala at pagiging tapat, pagsasabuhay na ang Diyos ang sentro ng pamilya, pagtupad sa sinumpaang pangako at maayos at kasiya-siyang relasyong sekswal.

Sa pagtatapos ay nagbigay ng mainit na pagbati si Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad. Natutuwa siyang makita na ang Lungsod ng Malolos ay nagtataguyod ng ganitong klaseng selebrasyon na maaaring maging inspirasyon para sa mga kabataan at susunod na henerasyon.

“Sa kabila ng lahat ng distractions, mga tukso sa paligid, at napakaraming pagsubok at hamon na dumarating sa bawat taon ng ating buhay, kayo po ay isang testamento ng pagnanaig at pag-ibig,” ani Mayor Natividad.

“Lahat ay kayang hamakinโ€”paghamon at pagsubok manโ€”hangga’t nananatili sa gitna ang tunay na pagmamahal. May mga katulad namin kayong makakadapuan ng palad sa panahong aming kinabibilangan,” dagdag pa niya.

Dumalo at nagbigay din ng mensahe sina Konsehal Abgdo. Dennis San Diego, Konsehal Noel Sacay, Konsehal Kiko Castro, Konsehal Mikki Sotto, Konsehal Michael Aquino, at ang kinatawan ni Konsehal JV Vitug, kung saan ipinahayag nila ang kanilang taos-pusong pagbati at suporta sa mga mag-asawang dumalo sa makabuluhang okasyon.