Nagpamalas ng lakas ng pangangatawan at bilis ng pagiisip ang mga kalahok ng Karera ng Kasaysayan na sinimulan kanina ng 5:30 n.u. sa harap ng lumang cityhall.

Kung matatandaan nagsimula ang Karera ng Kasaysayan noong 2012 bilang bahagi ng Fiesta Republika na isinisagawa tuwing ika-23 ng Enero .

Nagmula ang mga kalahok sa naturang patimpalak sa 10 distrito ng Department of Education ng Lungsod ng Malolos.

Nagkaroon ng mga istasyon sa bawat kilalang historical landmark tulad ng Malolos Cathedral, Barasoain Church, Casa Real at mga kabahayan sa kamestisuhan sa Brgy Sto Nino. Kailangan sumagot ng mga katanungan patungkol sa Historical landmark ang mga kalahok upang makalipat sa susunod na istasyon. Nagtapos ang naturang patimpalak sa Liwasang Republika sa harap ng new Cityhall .