Kaalinsabay ng Lingguhang pagtataas ng watawat, pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection – Malolos Branch ang Fire Prevention Month na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”

Ang Fire Prevention Month, alinsunod sa Proclamation No. 115-A (s. 1966) at Republic Act No. 9514 (Fire Code of the Philippines of 2008), ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko sa panganib ng sunog, itaguyod ang pagsunod sa mga batas ukol sa fire safety, at isulong ang mga hakbang tulad ng fire drills, pagsasanay, at kooperasyon ng pamahalaan at pribadong sektor upang maiwasan ang sunog at maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa para sa buwan ng Marso ay:

– Motorcade Kick-off Ceremony – Marso 03, 2025

– Art Contest – Marso 11, 2025 (4th Floor Auditorium, New City Hall of Malolos)

– Fire Olympics – Marso 22, 2025 (Malolos City Amphitheater)

Kinilala rin ng BFP – Malolos Branch ang Baranggay ng Sumapang Matanda sa procurement nito ng bagong Fire Truck.

Gayundin si FO1 Brenmelle Jan M. Guioa bilang Best Junior Non-Commissioned Officer of the Year CY 2024 at pagtanggap ng Medalya ng Kasanayan sa nakaraang 51st Fire Service Recogniton Day of BFP Region III na ginanap sa Vista Verde Resort, Pulong Maragul, Angeles City noong ika – 18 ng Disyembre.

Dumalo at nakiisa sina Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at Konsehal Edgardo F. Domingo.