Noong ika-11 ng Abril, itinanghal ng grupong Sagwan ng Paombong ang kanilang makapangyarihan at makulay na dula, ang 𝘗𝘪𝘭𝘢𝘬, sa direksyon ni Melandro N. Pascual, pagbubukas ng Malolos Theatre Festival sa Ikatlong pagkakataon sa Lungsod ng Malolos.

Hindi ito naging isang karaniwang pagtatanghal — sa halip na basta manood, ang mga madla ay naging bahagi ng dula kung saan sila ay nakisangkot, nakidama, at naging kabahagi sa mga aral at mensahe ng bawat eksena. Mula sa pagpapako sa krus hanggang sa muling pagkabuhay ni Hesus, sa bawat tagpo ay nababalot ng matinding emosyon, lalim ng simbolismo, at espiritwal na panawagan na umantig sa puso ng bawat isa.

Ang 𝘗𝘪𝘭𝘢𝘬 ay isang Senakulo sa Kalye na binubuo ng 25 istasyon, ang bawat isa ay kumakatawan sa mahahalagang yugto sa buhay ni Kristo. Isinabuhay ito ng mga artista ng teatro sa konteksto ng temang “pilak” — sagisag ng materyalismo, kasakiman, at mga tukso ng makabagong panahon. Sa bawat istasyon, hinihikayat ang mga manonood na magnilay at hanapin ang koneksyon ng kanilang sariling buhay sa mga sakripisyong inialay ni Hesus.

Ayon kay Direktor Pascual, hindi lamang ito isang dula kundi isang paanyaya sa mas malalim na pagninilay. Aniya “𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘴 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘦𝘳𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺, 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 — 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴.”

“𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘒𝘸𝘢𝘳𝘦𝘴𝘮𝘢, 𝘮𝘢𝘴 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘪𝘭𝘢𝘺, 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪, 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 — 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘳𝘪𝘱𝘪𝘴𝘺𝘰 𝘯𝘪 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯.” Dagdag pa niya.

Ang pagtatanghal ng Pilak ay isang malinaw na patunay na ang teatro ay may kakayahang maging kasangkapan ng pananampalataya. Isa itong buhay na paalala na sa kabila ng lahat ng tukso at ingay ng mundo, naroon pa rin ang isang tahimik ngunit makapangyarihang mensahe: ang walang kapantay na pag-ibig ni Hesus — para sa bawat isa sa atin, at para sa ating kaligtasan.