Sa mensahe ni Mayor Bebong Gatchalian, kaniyang sinabi na ang mga Negokart na naipamahagi ay mahalaga sa pamumuhay ng ating mga kababayan, subalit mas mahalaga na matutunan ng ating mga mamamayan kung kanino ba nagmumula ang tunay na pagpapala, ito ay nanggagaling sa ating Panginoong Diyos. Marami ang plano sa puso ng isang tao, subalit ang plano ng Panginoong Diyos ang siyang dapat na manaig. Binigyang diin niya na nawa ang mga nabigyan ng Negokart ay patuloy na mangarap, magsumikap at magmalasakit rin sa iba upang sa mga susunod na panahon, sila naman ang tutulong sa ating mga kababayan na walang kakayanan.

Pinayuhan naman ni Kon. Nino Bautista ang mga benepisyaryo ng programa na palaguin ang naibigay sa kanilang kabuhayan at huwag ubusin basta-basta ang kanilang puhunan.

Sa pagpapaliwanag ni Arch. Aaron Solis, Pinuno – CTECO, ang kanilang tanggapan ay patuloy na susubaybay sa mga benepisyaryo upang matiyak na nagagamit ang mga Negokart. Binanggit rin niya na ang mga Negokart ay bawal ibenta o pa-rentahan.

Ang pagbibigay ng mga Negokart ay dinaluhan rin ni Kon. Ega Domingo, Kon. Rico Capule, Kon. Mikki Soto at Marianne Mendoza – CTECO.