Apat na unit ng hospital beds para sa Felix T. Reyes Hospital, nadala na.

Ang Felix T. Reyes Hospital ang nag-iisang ospital sa coastal area ng Lungsod ng Malolos. Ito ay napatayo sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Sa kasalukuyan, ang Felix T. Reyes Hospital ay nagsisilbi ding isolation facility para sa mga nakatira sa coastal area.

Kasunod ng kanilang hiling sa Pamahalaang Lungsod, dinala nitong ika-12 ng Enero ang apat na unit ng hospital beds na gagamitin para sa kanilang isolation facility.