Paggunita sa Ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na may temang “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon” ??
 
Dahil sa patuloy na kalalagayan sa COVID-19, payak pa rin ang naging paggunita sa taon na ito. Naging sentro ng programa ang pagbibigay pugay sa ating watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Pangulong Emilio Aguinaldo na pinangunahan nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Pang.Punong Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarado, Gng. Rosario V. Sapitan- Kinatawan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Punong Lungsod Gilbert T. Gatchalian, Pang.Punong Lungsod Noel G. Pineda, PCol. Rommel J Ochave-OIC Provincial Director, PNP Bulacan at Reb Padre Domingo Salonga- Kura Paroko, Nuestra Senora Del Carmen.
 
Ang unang Republika ng Pilipinas ay ginanap sa Malolos, Bulacan noong 1899. Mula sa Rebolusyon, hanggang sa paglikha ng Unang Konstitusyon at Republikang Pamahalaan ng Asya, nagbunga ito ng pagkakabuo ng Republika ng Malolos. Kasabay nito ang pagdeklara kay Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng bansa.
 
Kaya naman mga Malolenyo, halina’t ating gunitain ngayong ika-23 ng Enero ang ika-123 anibersaryo ng Araw ng Republikang Filipino!