
“We are always one step forward dun sa ating goal na mas magandang buhay at mas magandang kinabukasan para sa ating mamamayan.” wika ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian sa ginanap na muling pagbubukas ng flag raising ceremony nitong ika-7 ng Pebrero.
Kasunod nito ay ang pagbabalita nya ng iba’t ibang proyektong gagawin at naisakatuparan sa lungsod sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap nitong nakaraang mga taon katulad ng mga bagong heavy equipment kagaya ng back hoe na nagagamit sa patuloy na dredging sa kailugan sa lungsod, at traktora na nagagamit sa mga sakahan. Nabayaran na rin ang 7.5 hectares na lupa na nakalaan sa itatayong pabahay sa lungsod at natapos na bidding para sa itatayong kauna-unahang pampublikong ospital ng Lungsod ng Malolos.
Tinalakay din sa kaniyang mensahe ang, preparasyon para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga susunod na linggo para sa mga 5-11 years old kasabay ng 12-17 years old sa pediatrics. At ang matagumpay na operasyon ng Malolos City Police Station noong ika-29 ng Enero kung saan nasabat ang 20 bloke ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 2.8 million pesos.
Sa huli, nagpasalamat ang punong lungsod dahil na bagaman may mga pagkakaiba, nagkakaisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa kagustuhan na maiangat ang buhay ng mga mamamayan ng lungsod.