Pinangunahan ni LGOO VI Digna A. Enriquez ng Department of Interior and Local Government (DILG) Malolos ang lingguhang pagtataas ng watawat nitong ika-3 ng Oktubre ang paggunita sa 31st Anniversary of the Local Government Code of 1991 na may temang 31 Years of Gains Toward a More Meaningful Autonomy. Ito ay bilang pagkilala sa lahat ng sakripisyo at serbisyo ng mga Lokal na Pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan.

Kaalinsabay din nito ang pagpapapahayag ng pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ni Division Head of Cooperative na si Mellany D. Catanghal, sa selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba na may temang “Nagkakaisang lakas para sa makabuluhan at sama-samang pag-unlad”.

Ayon kay Catanghal, magkakaroon ng Coop Gulayan sa mga kooperatiba sa Lungsod ng Malolos. Gayundin ang awarding ng Natatanging Kooperatiba sa Lungsod ng Malolos sa darating na ika-25 ng Oktubre.

Samantala ay nagkaroon din ng pagkakataon na maipahayag ni OSCA Chairman Angelito Santiago ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng “Buwan ng Nakatatanda”. Ayon kay Santiago, sa pangunguna ni Punong Lungsod Christian D. Natividad, ang Lungsod ng Malolos ang isa sa mga naunang LGU na nagkakaloob ng insentibo sa mga centenarian hanggang sa magkaroon ng batas ang national government na magkakaloob ng 100k sa mga mamamayang umaabot sa 100 taon.

Buong-puso rin niyang ipinagmamalaki na isa ang Lungsod ng Malolos sa Region 3 na may pinakamagandang Senior Citizen Center.

Nakiisa rin sa nasabing gawain sina Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista,Kon. Therese Cheryll Ople, Kon. JV Vitug, Kon. Niño Bautista at iba pa.