Bilang tugon sa isang reklamo sa Malolos City Information Office page, agaran ang naging pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagbabaklas sa bubong na ilegal na itinayo sa isang kalsada sa St. Ignatius Subd sa Brgy Mabolo nitong ika-7 ng Nobyembre.

Ayon kay CA Joel Eugenio, nagsimula ang naging paguusap sa pagitan ng kanyang opisina at ng mga inirereklamo noong Setyembre , at kasama sa napagkasunduan ay ang kusang pagtatanggal ng may-ari sa istraktura. Ngunit pagkatapos ng halos 2 buwan ay wala pa ding naging aksyon ang mga nirereklamo kung kaya’t personal na itong pinuntahan ng Demolition Task Force, sa pangunguna ni City Administrator Joel Eugenio, katuwang sina Engr Ricasol Millan City Engineer, Engr Reynaldo Garcia ng GSO, mga kawani ng City Mayors Office, City Engineering Office at Malolos City Police