![](https://maloloscity.gov.ph/wp-content/uploads/2023/01/326415711_701718804779711_6451143316904958375_n-1024x768.jpg)
Ginanap sa makasaysayang simbahan ng Barasoain ang anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Pilipino na may temang ‘Unang Republikang Pilipino: Gabay Tungo sa Napapanahong Pagbabago’ na pinangunahan nina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, at iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Ang unang republika ay itinatag at ginanap noong 1899 sa Malolos, Bulacan noong 1899. Kinilala ito bilang kauna-unahang Republika sa Asya na mayroong Saligang Batas. Kasabay nito ay ang pagdeklara kay Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng bansa.
Sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 11014 (5 Abril 2018), ang petsang 23 Enero ay ipinahayag bilang Araw ng Unang Republika Pilipino na isang espesyal na pista.
Sa mensahe ng Panauhing Pandangal at Kinatawan ng Unang Distrito ng Bulacan Danny A. Domingo, ang pagkakaroon ng Republikang Pilipino ay simbolo ng tagumpay upang makalaya sa pang-aapi ng mga mananakop. Patunay rin ito na ang ating bansa ay may kakayahang maging malaya at pamunuan ang sariling bansa.