Sa pamamagitan ng inisyatibo ng Prime Water Infrastructure Corporation, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office at Bureau of Jail Management and Penology, matagumpay na naisagawa ang Tree Planting Activity sa Malolos City Eco Park sa Material Recovery and Facility sa Brgy. Matimbo.

Ayon kay CENRO chief Amiel Cruz, buo ang suporta ng Pamahalaang lungsod ng Malolos sa mga ganitong programa, sapagkat ito rin ang isa sa mga naunang pangako ni Punong Lungsod Abgdo.Christian D. Natividad na gawing prayoridad ang kalinisan at pangangalaga ng kalikasan. Aniya, nagpapasalamat din siya sa Prime Water sa pamamagitan ni Engr. Claire San Jose sa pagkakaloob ng mga Narra Trees bilang paunang tanim na puno para sa Eco Park.

Ang naturang proyekto ay dinaluhan nina Owen Andrei S. De Leon Administrative Head, ilang mga kawani ng Prime Water, BJMP sa pamumuno ni JCI Willie T. Tinaza City Jail Warden at kawani ng CENRO.