Binisita nitong Huwebes (March 23) ng Pamahalaang Lokal ng Gerona Tarlac ang Malolos City Roving Radio Station (RRS) bilang isa sa mga panibagong inobasyon sa pagtuturo na magagamit ng City of Malolos Department of Education – Alternative Learning System (ALS) gamit ang on-site broadcasting at internet streaming.
Sa naging panayam kina Gerona Councilor Holden Sembrano at Gerona ALS Focal Person Dr. Helen Bose sa live streaming ng Malolos City Information Office (CIO), naibahagi nila ang kanilang mga best practices sa kanilang lugar, katulad ng paggamit ng barangay clustering para sa mas maayos na pagsasagawa ng kanilang programa sa ALS. Sa kasalukuyan ay mayroong 300 ALS enrollees sa Gerona.
Ibinahagi din ng Malolos CIO ang mga iba’t-ibang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng RRS, katulad ng kakatapos lang na Radio writing and programming seminar at kasalukuyang ‘’Open Mic Jam’’ na naglalayong itanghal ang galing sa ag-awit ng mga local artists sa lungsod.
Kasunod nito ay nagpasalamat ang Gerona LGU Gerona sa Pamahalaang Panlungsod ng Malolos partikular na kay Mayor Christian D. Natividad sa pagkakataon na maibahagi ang best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na may kaugnyan sa literasiya.