![](https://maloloscity.gov.ph/wp-content/uploads/2023/04/troi2-1024x575.jpg)
Muling sumalang sa panibagong pagdinig ang City Ordinance No. 20-2022 o “Walkable Lane Ordinance” sa pamamagitan ng Lupon sa Pampublikong Kaayusan, Pag-Iwas sa Sunog at Kaligtasang Pampubliko — na pinamunuan ni Kgg. Emmanuel R. Sacay, kapatnubay ang mga may akda ng nasabing ordinansa na sina Kgg. Niño Carlo C. Bautista, Kgg. Victorino M. Aldaba III, at Kgg. Therese Cheryll “Ayie” B. Ople.
Ang naturang ordinansa ay naglalayong magpatupad ng patakaran at probisyon hinggil sa tamang paggamit at pagtatalaga ng pedestrian walkways at sidewalks upang bigyang tugon ang suliraning pantrapiko, kaligtasan ng mga mamamayan, at mabigyang tibay ang karapatan at kaalaman ng publiko kasunod ng pagkilala sa batas trapiko.
Nagpaunlak sa ginanap na pagdinig sina Engr. Ricasol Millan, City Engineer; Abogado Aida Bernardino ng Business Permit Licensing Office (BPLO); G. Adelio Asuncion ng City Traffic Management Office – Malolos (CTMO-Malolos); at Regemrei Bernardo ng City Information Office (CIO).