Sa pangunguna ng tanggapan ng City Social Welfare and Development Office, matagumpay na naisagawa ang proyektong “ALALAY SA PAG-AARAL 2023.” kung saan ay nakatanggap ng kagamitang pang-eskwela ang mga anak ng Solo Parents na kung saan ay nag-aaral sa kindergarten hanggang high school.
Ang bawat school kit ay naglalaman ng mga pangunahing kagamitan sa paaralan tulad ng papel, lapis at notebook. Inaasahan na ipapamahagi ang kabuuang bilang na 1,020 na bag sa apat na sektor na binubuo ng PWD, Solo Parents, LGBT, at PYAP.
Ayon kay Department Head Lolit SP. Santos, RSW, titiyakin ng kanilang tanggapan kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos na walang kabataang maiiwan pagdating sa edukasyon sa Lungsod.
Inaasahan na magpapatuloy ang pamamahagi para sa mga sektor ng PWD, LBGT, at PYAP sa ika-31 ng Agosto.
Dumalo at nakisama sa nasabing pamamahagi si City Administrator Joel S. Eugenio.