Ang National Validation ng Seal of Good Local Governance ay idinaos sa 4F Auditorium ng bagong City Hall ng Malolos sa pangunguna ni SGLG National Validator Atty. Judy Mar S. Dela Cruz LGOO VII, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Cluster Head, LGOO VII Lydia M. Baltazar, at Editha N. Macalino LGOO III.

Kung matatandaan ay noong ika-29 ng Hunyo ay sumailalim ang LGU ng Malolos sa nakaraang SGLG Regional Assessment kung saan ay sinuring mabuti ng Regional Team sa pangunguna ni DILG Region 3 Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III ang mga pasilidad at programa ng Lungsod at nagbahagi ng mga rekomendasyon at “feedback” na siyang pinagtuunan ng pansin ng LGU upang mapabuti pa ang serbisyo at daloy ng programa na siyang naging susi upang mapabilang ang Lungsod sa National Validation para sa SGLG.

Sa mensahe ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, kaniyang ipinabot ang taos pusong pasasalamat sa bawat departamento, dibisyon at mga kawani sa walang sawang pagbibigay ng tapat at maayos na serbisyong pampubliko sa mamamayan ng Malolos.

Sa mensahe naman ni SGLG National Validator Atty. Judy Mar S. Dela Cruz LGOO VII, kaniyang binigyang komendasyon ang Lungsod ng Malolos sa “10(sampung) Performing Areas” kung saan ay nagpamalas ng angking kahusayan ang bawat departamento at dibisyon sa kanilang mga programa, proyekto at mga dokumento.

Ang “10 Performing Areas” ay ang mga sumusunod:

Financial Administration and Sustainability

Disaster Preparedness

Social Protection and Sensitivity

Health Compliance and Responsiveness

Sustainable Education

Business Friendliness and Competitiveness

Safety, Peace and Order

Environment ManagementTourism, Heritage Development, Culture and the Arts

Youth Development

Matapos and “Table Validation” sa pagsusuri ng mga pinagsama-samang “Means of Verification” (MOVs) ay nagsagawa rin ng “Site Validation/Inspection” ang National Validator Team sa barangay ng Sumapang Matanda kung saan ay tinignan at hiningan ng panayam si Punong Barangay Igg. Fortunato C. Ramos ni Atty. Dela Cruz patungkol sa Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity at Environmental Management. Kasabay nito isinagawa ang “Simulation” kung saan ay personal na sinuri ni Atty. Dela Cruz ang proseso ng pagkuha ng mga dokumento sa Lungsod ng Malolos. Kaniya ring binisita ang Regional Evacuation kasama ang Operational Center ng CDRRMO.

Dumalo at nakiisa sa nasabing National Validation sina CLGOO Digna A. Enriquez LGOO VI., Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, Konsehal Abgdo. Niño Bautista, Kosenhal JV Vitug, Konsehal Noel Sacay, Konsehal Troi Aldaba III, Konsehala Ayee Ople, SK Federation President Patrick Dela Cruz, City Administrator Joel Eugenio, SGLG Malolos Focal Person na sina Engr. Eugene Cruz at Julie Ann Lopez at ilang mga piling kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.