
Ginawaran ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ngayong araw, ika-08 ng Enero, kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat ang mga Malolenyong nagbigay ng angking galing sa iba’t-ibang larangan.
Ang mga sumusunod ang mga nagsipagwagi sa National Batang Pinoy Championship 2023 na isinagawa sa Dragon Smash Badminton Center , Makati City noong Disyembre 17-22.
-Christian Q. Dorega, 15-17 Doubles
-Karl Raphael E. Contreras, 15-17 Doubles
-Ryan Almario R. Bernal, 12-14 Singles
Bronze Medalist
-Angel Dove Marionie G. Maralit, 9-11 Singles
Samantala, sa larangan naman ng Basketball at Volleyball, binigyang pagkilala naman sina Yukien Andrada ng Look 2nd, miyembro ng San Beda Red Lions na tinanghal na kampeon nitong Season 99 National Collegiate Athletic Association (NCAA) at si Marivic Velaine Morelos “Ria” Meneses na tinanghal namang Best MIddle Blocker sa 2023 Premiere Volleyball League All Filipino Conference.
Binigyang pagkilala rin ang City of Malolos Agriculture Office sa pagiging “2023 Regional Passer” sa nakaraang Gawad Timpukan-Fisheries Compliance Audit ng DILG noong ika-19 ng Disyembre.
Pinakilala rin ang mga Kabataang Malolenyo sa larangan ng kisig, ganda, talino at talento na lalahok sa darating na Ginoo at Binibining Malolos 2023 sa Enero 27, 2024.
Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Kgg. Vicente “Jun” Cruz Jr., Brgy. Chairman ng Canalate sa ipinamalas na suporta sa kanyang pagkakatalaga bilang ABC President at nangakong sisikapin niyang itaas ang antas ng paglilingkuran sa Lungsod ng Malolos.
Sa pagtatapos ay ipinahayag ni Vice Mayor Migs Bautista ang patuloy na pagpapaigting ng serbisyo para sa ating mga kababayan.
“We will be better, We will do better this 2024”, ani Bautista. Kasabay nito ang paghimok sa bawat Malolenyo na magdasal at magpasalamat sa Poong Maykapal.
Nagbigay din ng pagbati si Mayor Natividad sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos sa pangunguna ni Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, City Administrator Joel S. Eugenio, mga pinuno ng bawat departamento at mga kawani ng Lungsod ng Malolos para sa isang “job well done”.