
Bilang pagsunod sa taunang pagpapalit ng administrasyon ng CGMEMCO isinagawa ang pag boto ng mga kasapi ng kooperatiba sa 4F awditoryum ng Malolos City Hall.
Sinundan ito ng pagkilala sa mga kasapi na pinangunahan ni Assistant City Administrator Gertudes N. De Castro. Kasunod nito ay ang pagpapahayag ng pagkakaroon ng quorum na pinangunahan ng Kalihim ng kooperatiba na si Richelle M. Santiago. Binuksan ang pagkalahatang pagpupulong ng Tagapangulo ng lupon patnugutan na si Victor R. Santiago na ipinagtibay ang katitikan sa nakaraang pangkalahatang pagpupulong. Matapos pagtibayin ang katititikan ay sunod naman ang paguulat ng lupon patnugutan at pag apruba sa mga amyenda ng kooperatiba.
Kasunod ng pauulat ng lupon ng patnugot sinundan naman ng ulat ng tagapmahala ng plano at mga programa; mas pauunlarin ang Pasalubong center at pagta-tayo ng Canteen sa loob ng Malolos City Hall para sa mga empleyado.
Narito ang mga nahalal na bagong opisyales ng Kooperatiba:
Board of Director Committee:
Engr. Reynaldo “Rey” S. Garcia
Victor “Vic” R. Santiago
Marlene F. Vito
Rhodora “Dhorie” R. Trogo
Audit and Inventory Committee:
Concepcion “Connie” Q. Chico
Michelle P. Del Rosario
Yenan “Yeye” G. Glorioso
Election Committee:
Gerald “Jhe” G. Aldaba
Enrique “Erick” T. Mateo
Aaron “Ron” Solis
Ayon sa isa sa mga Board of Director na si Victor Santiago “Lalong pauunlarin at pagyamanin ng mga miyembro ng kooperatiba, lalong makapag hikayat ng mga maaring sumapi sa kooperatiba ng Pamahalaang lungsod ng Malolos”
Sa hulihang bahagi itinindig ang pagpupulong ni Dir. Victor R. Santiago at ginanap ang raffle draw bilang panapos na gawain ng CGMEMCO.