
Ika-18 ng Marso โ Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang 2 Kababaihan at 1 Samahang Pangkababaihan bilang resipyent ng mga parangal sa nakaraang Gawad Medalyang Ginto na isinagawa sa Hiyas Convention, City of Malolos, Bulacan noong ika โ 12 ng Marso na sina ๐๐ง๐ . ๐๐จ๐ง๐๐ก ๐. ๐๐๐ซ๐๐ข๐ โ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ง๐ . ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ง๐ โ๐๐ฅ๐ฆ๐โ ๐. ๐๐๐ฃ๐ฎ๐๐จ โ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ค๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐๐๐๐, ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ข๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐จ ๐ง๐ข ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐จ.
Ang Gawad Medalyang Ginto 2024 ay may temang “Matatag na Pamilyang Bulakenyo, Katuwang sa Pagpapaunlad ng Lalawigan Ko” alinsunod sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa pangunguna ng Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB).
Ayon kay Gng. Jonah L. Garcia, lubos ang kaniyang pasasalamat sa Lungsod ng Malolos sa walang sawang suporta sa mga adbokasiyang kaniyang isinusulong hindi lamang para sa mga kababaihan gayundin sa mga kabataan.
Ayon din kay Gng. Garcia ilan sa mga proyekto na kaniyang isinusulong ay, Puni Making, Paggamit ng Natural at Recyclable Materials, Religious Activities โ paggawa ng Palaspas at pagbibigay nito sa mga Simbahan bilang Donasyon.
โAng mga kababaihan ay Multi-Faceted, sa Pamilya, Karera, at sa Kapwaโ ani Garcia.
Dagdag naman ni Gng. Palmarina, kaniyang mas paiigtingin ang kaniyang adbokasiya na mapabuti ang lagay ng kalikasan sa Lungsod ng Malolos. Dagdag pa niya, isa sa natatanging proyekto na nabigyang pansin ng PKKB ay yung โpangangalakalโ na siyang nagsisilbing gawain para mapanatili ang kaayusan sa kalikasan gayundin naipapalit sa pera na siya namang ginagamit sa mga proyektong pangkalikasan.
Dumalo at nakiisa sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Konsehal Abgdo. Niรฑo Bautista, Konsehal Therese Cheryll โAyeeโ Ople, Konsehal Ega Domingo, ABC President Jun Cruz at CSWDO Department Head Lolita S.P. Santos, RSW.