Matagumpay na namang naisagawa ang programang “Lets Be Healthy Together” na nagbibigay ng libreng tulong pangkalusugan sa mga Malolenong nangangailangan nito.

Sa pagkakataong ito, 402 Maloleno mula sa Brgy Tikay ang nabigyan ng tulong medikal tulad ng libreng gamot, konsultasyon, libreng checkup sa mata, libreng laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS) at 12-L ECG.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Konsehal Jv Vitug kay Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad at sa buong Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T Bautista sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa programang “Lets Be Healthy Together” at nangakong patuloy itong magiikot sa mga barangay sa buong kalungsuran.

Kung matatandan , nagsimula ang programang ito noon pang ika- 17 ng Pebrero ng kasalukuyang taon at ang Brgy Tikay ay ang ika-17 barangay sa Lungsod ng Malolos na napagkalooban ng libreng tulong medikal.

Naging katuwang din sa nasabing programa ang TeleCure Medical and Diagnostic Center kasama ang ilang volunteers mula sa College of Nursing ng Bulacan State University.

Dumalo at nagpakita ng suporta ang lahat ng mga kawani at opisyal ng Brgy Tikay sa pangunguna ni Kap Jawo kasama ang Sangguniang Kabataan ng Brgy Tikay.