Sa pagbubukas ng accreditation nitong ika-8 ng Pebrero, 2022, binigyan ng komendasyon ni Ms. Sonia G. Manio, accreditor ng mga Daycare Centers sa Lalawigan ng Bulacan, ang daycare center sa Brgy. Bungahan. Ani Manio, napakaganda at organisado ng naturang day care center na nasa pangangalaga ni Child Development Teacher Maria Corazon Estrella.

Sa kanyang mensahe sa sangguniang barangay, patuloy nyang inengganyo at pinaalalahanan ang mga ito ukol sa paglalaan ng pondo para sa mga kabataan gaya ng paglalaan nito ng pondo para sa mga PWD at senior citizens.

Inaasahan na magpapatuloy ang accreditation hanggang sa unang linggo ng Marso at ito ay tatapusin sa pamamagitan ng isang exit conference kung saan iimbitahan ang mga kapitan at day care workers.