
Sa pangunguna nina Co-Chairman ng Taskforce, Project Development Officer IV (PESO) Marianne DC Mendoza at Licensing Officer IV Abgdo. Aida S. Bernardino, matagumpay na naisagawa ang unang Action Planning Workshop ng π¬ππππππππ πΆππ ππ π΅π. 10 π. 2024, π¨π πΆππ ππ πͺπππππππ πππ π»ππππππππ πΊππππ π©πππππ π²ππππ ππ πππ πͺπππ ππ π΄ππππππ, π©ππππππ πππ πππ πΊππππππ π·πππππππππ ππ πΊπππππ πͺππππ πππ πππ πͺππππ π³πππππππ alinsunod sa ninanais ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na makapagbuo ng adisyunal na programa na makakatulong sa mga menor de edad sa Lungsod ng Malolos. Tinalakay din sa workshop ang mga problemang kinakaharap ng lungsod sa mga batang lansangan, at kung paano masosolusyunan ito.
Sa suhestiyon ni Jinky Joy Del Rosario RSW SWO IV, kailangan na mas paigtingin ang Values Formation sa bawat pamilya na siyang isa sa proyekto ng kanilang tanggapan na City Social Welfare and Development Office at siyang sinangayunan ni Digna A. Enriquez, CLGOO VI. Dagdag pa ni Del Rosario, dapat magkaroon ng ππππππππ approach ang taskforce katuwang ang CSWDO sa mas malawak na implementation ng mga programang pangkabataan.
βKailangan magkaroon tayo ng komprehensibong bilang ng mga street child sa Lungsod para malaman natin sino yung taga Malolos talaga at kung sino yung mga bypassers at occasionals street childβ ani Del Rosario.
Binigyang diin naman ni Panlungsod ng Manananggol Abgdo. Cyrus Paul S. Valenzuela na dapat ππππππ- ππππππ at may pagkakakilanlan ang disenyo ng gagawing local action plan upang sa gayun ay mabilis at akma ang mga datos na makukuha upang makapagbuo ng mga adisyunal na programa para sa mga street children at child labors sa Lungsod ng Malolos.
Sa pagtatapos ng workshop ay tinukoy ng taskforce and mga high to medium priority na programa at suliranin gaya ng parenting seminar, law enforcement, education, agriculture, atbp.
Ang gawain ay dinaluhan ng mga kasapi ng Taskforce Sagip Batang Kalye.