Mula sa 12 paaralan sa Lungsod ng Malolos, itinanghal na kampeon si San Diego, isang mag-aaral mula sa Grade 12-SHS ng Marcelo H. Del Pilar National High School, sa Digital Kwiz Bee 2024. Ang patimpalak ay isinagawa sa 4th Floor Auditorium ng City Hall of Malolos, Bulacan.

Pumangalawa naman si Alexander Johnvic E. Dela Cruz, isang mag-aaral mula sa Grade 10-JHS ng CMIS-Sto. Rosario. Samantalang, kinilala naman bilang 3rd Placer si Andrie Yhurie M. Atienza, isang Grade 10-JHS mula sa Malolos Marine Fishery School and Laboratory.

Ang kumpetisyon ay hinati sa tatlong kategorya na Guess the Picture para sa easy round, Multiple Choice sa Average Round, at Identification para sa pinakamahirap na antas.

Dahil sa kanilang matinding dedikasyon at kahusayan, mag-uuwi ng cash prize si San Diego na nagkakahalaga ng P10,000, samantalang makakatanggap naman ng P7,000 si Dela Cruz at P5,000 si Atienza.

Ang patimpalak na ito ay isa sa mga naging pangunahing aktibidad ng Lungsod upang makiisa sa pagdiriwang ng Fiesta ng Republica 2024. Sa pamamagitan ng ganitong mga kompetisyon, nagagawang mas mapalalim at mapalawak pa ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kasaysayan.

Hindi lamang ito isang simpleng laban kundi isang gawaing nagbibigay pagpapahalaga sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas.

Tumayong mga miyembro ng Board of Judges ng patimpalak sina Ginoong Salvador B. Lozano, Frederick Macale at Bb. Marcosa D. Delonia.

+6