Matagumpay ang isinagawang paglilikha ng isang alyansang makapagbibigay ng mas malakas na tinig sa mga kabataan sa iba’t-ibang larangan. Binubuo ng lahat ng mga Youth Organizations at Youth Serving Organizations sa Lungsod ng Malolos.

Ang Project ALYANSA na may temang “Transforming Youth Skills for the Future” ay may layuning mabigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman na angkop sa mga problema ng kasalukuyang panahon at makalikha ng makabago, mas epektibo at malikhaing solusyon sa mga problema tulad ng poverty, climate change, Inequality atbp.

Bahagi din ng programa ang isang Panel Discussion kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang bawat kalahok na makakwentuhan at makausap ang mga panauhin patungkol sa kanilang mga naging tungkulin, karanasan at responsibilidad sa panunugkulan. Naging paksa sa naturang talakayan ang Youth Development, Youth Empowerment, Youth in Good Governance at Youth Participation kung saan naging panauhing tagapagsalita ang mga Local Youth Development Officer mula sa iba’-ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa mensahe ni Pangalawang Punong Lungsod Miguel ALberto T. Bautista, mahalaga aniya ang papel ng mga Youth Organizations na masiguro na ang pagkilos o pagawa ng gobyernong kanilang pinagsisilbihan ay nakabase sa masusing pagaaral na may kaakibat na hangarin na mapaglingkuran ng tama ang kanilang mga nasasakupan. Hinikayat din niya ang mga magiging lider ng bagong alyansa na makilahok sa mga diskusyon at makapagbigay ang mga ito ng mga makabago at malikhaing solusyon sa mga isyu at mga problemang maaring harapin ng lokal na pamahalaan.

Bilang pagtatapos, nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng mga Youth Organizations upang masiguro na patuloy ang kanilang magiging pagtutulungan tungo sa mas maayos na pamamahala.

Dumalo at nakiisa sina Abgdo Nikki Manuel S. Coronel, OIC Provincial Sports and Youth Development Office, Casey Tyrone E. Howard SK Federation President- Bulacan, Rose Chell Anne Rojas, Area Officer Region II & III National Youth Commission-DILG, mga Local Youth Development Officer na sina Kenneth Adrian S. Delacruz ng Sta. Maria at Wilmie Kate Z. Logo ng Norzagaray, John Joshua P. Cudia ng Youth Development Council, Local Youth Development Officer Bryan Paulo Santiago, Malolos City Administrator Joel Eugenio at Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista.