
Kapansin-pansin ang makukulay na kasuotan mula sa iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya na namayagpag sa isinagawang flag ceremony nitong Lunes. Tampok dito ang tradisyunal at makabagong interpretasyon ng mga pananamit ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Alinsunod ito sa Memorandum Circular Blg. 16, s. 2024 ng Civil Service Commission (CSC), kung saan hinihikayat ang mga kawani ng gobyerno na magsuot ng ASEAN-inspired na kasuotan tuwing unang Lunes ng buwan.
Ayon kay Cristina R. Gutierrez, CHRMO Department Head, โ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐บ ๐ช๐ฏ๐ข๐ข๐ต๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฆ๐บ๐ข๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ถ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ถ๐ฐ๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ต๐ฆ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐ ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฏ๐ฆ๐ด, ๐ข๐ต ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ข๐ฏ๐ข-๐ช๐ฏ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข-๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข ๐๐ถ๐ฏ๐ฆ๐ด ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ธ๐ข๐ฏ, ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ข.โ
Layon ng inisyatibong ito na itaguyod ang kamalayan at pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ipalaganap ang pagpapahalaga sa mayamang kultura ng rehiyon sa hanay ng mga lingkod-bayan at mamamayan.