
Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Robin Padilla, katuwang ang City Social Welfare and Development Office ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay matagumpay na naipamahagi ang 5,000 piso tulong pinansiyal sa 471 na indibidwal na may pamilyang lubos na naapektuhan ng Bagyong Egay at Falcon.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang evacuees at mga naapektuhan ng matinding pagbaha.
Ayon sa naging mensahe ng kinatawan ni Sen. Padilla na si Gng. Nadia Montenegro, “Parating sisigiraduhin na ang opisina ni Senador Padilla ay laging may aksyon at hindi drama.”
Kaniya ring pinasalamatan sina Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Migs T. Bautista sa kanilang naging pagsuporta sa gawain.
Ang programa ay dinaluhan din nina Konsehal Troi Aldaba, City Administrator Joel S. Eugenio, Atty. Cyrus Valenzuela mula sa City Legal Office, Chief of Staff Ferdie Durupa, Executive Assistant IV Omar Magno at POPCOM Division Head Joemari S. Caluag