Ang inagurasyon ay pinangunahan nina May B. Eclar PhD., CESO V – Direktor,DepEd Region III, Norma P. Esteban, EdD., CESO V – Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan, Leonardo C. Canlas, EdD., CESO IV – Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan at mga kawani ng SDO-Malolos.
Ang gusaling ito ang magsisilbing bagong tahanan ng iba’t-ibang tanggapan ng Schools Division Office – City of Malolos. Ito ay naglalayon na maging maginhawa ang paglilingkuran ng mga kawani ng SDO para higit pang makapagbigay ng de kalidad na serbisyo para sa edukasyon ng kabataan.
Sa mensahe ni Norma P. Esteban, EdD., CESO V – Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan, kaniyang pinasalamatan ang mga nagsidalong mga panauhin sa pagbubukas ng kanilang bagong gusaling pantanggapan. Nagpasalamat din siya sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagbibigay nito ng suporta sa mga guro at mga kawani ng DepEd, lalo na sa pagkakaloob ng mga kagamitan katulad ng laptop computers, internet broadband, USB at internet subsidy.
Nakipagkaisa rin sa programa sina Gov. Daniel Fernando, Mayor Bebong Gatchalian, Kon. Niño Bautista, Kon. Michael Aquino, City Administrator Luisito Zuñiga, Barangay Captain Ritchie Caluag at dating Punong Lungsod ng Malolos, Atty. Christian D. Natividad.