Pinangunahan ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian nitong ika-6 ng Hunyo ang turnover ng mahigit Php1.4M halagang sasakyan na tinanggap naman ni Malolos CPS OIC PLTCOL Ferdinand D. Germino.

Ayon kay Gatchalian, ito ay bahagi ng pagpapaigting ng paglilingkod ng mga kapulisan sa Lungsod ng Malolos.

Kasama rin sa ginanap na turnover sina City Administrator Luisito Zuñiga, Kon. Niño Bautista, Kon. Ega Domingo at Kon. Rico Capule.