Naging pangunahing paksa sa matagumpay na benchmarking activity ng TESDA at PESO Laguna sa Lungsod ng Malolos ang mga pangunahin at natatanging programa ng CTECO sa lungsod ng Malolos.

Layunin ng gawain na ito ang makakalap ng mga makabagong paraan upang madagdagan ang kanilang mga kaalaman at mapagbuti pa ang pagbaba ng mga pangunahing serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Kabilang sa mga pinuntahan ng ating mga bisita ang City of Malolos Training Center. Ayon sa pahayag ni Focal Person Cherry Mendoza, ang lungsod ng Malolos ang tanging LGU sa Bulacan na may ganitong pasilidad na may sariling pondo.

Nabigyang pansin ng mga panauhin ang mga kagamitan at kaluwagan ng ating pasilidad.

Naging paksa din sa naturang aktibidad ang pagbisita sa barangay Sumapang Matanda at Mojon, na kung saan ay personal nilang nakapanayam ang mga kapitan upang alamin kung paano nakatulong ang Barangay Training Employment and Cooperative (BTEC).

Isang pangunahing programa ng CTECO, na kung saan ay nagagawa nitong maitaas ang antas ng kanilang kaalaman sa pagtatayo ng maliit na negosyo.

Binisita din ng mga kawani mula probinsya ng Laguna ang ilang mga makasaysayang lugar dito sa ating lungsod katulad ng Simbahan ng Barasoain at Dambana ng Casa Real.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga panauhin na makapanayam ang Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad, kasama sina CMO Chief of Staff Ferdie Durupa at City Administrator Joel Eugenio.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mayor Natividad, sa pagpili sa ating lungsod upang makapagbahagi sa mga taga TESDA at PESO-Laguna.

Sa kaniyang pahayag, ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay palaging nakahandang tumulong sa ibang LGU na ang nais ay lalo pang mapaganda at mapaghusay ang pagaabot ng serbisyo sa kanilang mga mamamayan. Dagdag pa niya, pipilitin ng kanyang administrasyon na mas pag-igihin pa ang implementasyon ng mga pangunahing serbisyo upang ng sa gayon ay magsilbing ehemplo ang Lungsod ng Malolos .

Dumalo sa naturang aktibidad ang mga kawani ng CTECO Malolos sa pangunguna ni Cherry Mendoza Training Center Focal Person at Marrianne Mendoza-CTECO Employment Division Head (PESO Manager), Clark Rossmon Silvestre at Johndel Manalili ng TESDA Provincial Office Bulacan, Ana Heidi V. Dela Torre Provincial Director TESDA Laguna at Mary Jane B. Corcuera PESO Laguna.