
Isang motorcade parade na dumaan sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Malolos ang isinagawa ngayong umaga, Hulyo 22, 2024. Ito ay sa pangunguna ng Department of Education Schools Division of Bulacan para sa taunang Brigada Eskwela na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan.”
Sinundan ito ng isang panimulang programa sa Tikay Elementary School na dinaluhan nina Schools Division Superintendent Leilani S. Cunanan, CESO V at Assistant Schools Superintendent Fernandina P. Otchengco, PhD CESO VI.
Ayon kay SDS Cunanan, “Hindi tayo nauubusan ng paraan para sa ganon ay matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral at ating mga paaralan.” Nilalayon din niya na mas paigtingin ang pagbibigay ng kulay at buhay sa edukasyon ng mga kabataan.
Dinaluhan ito ng mga kaguruan mula sa iba’t ibang distrito sa buong Bulacan. Nakiisa rin si Bokal Allan Andan, ang mga konsehal na sina Atty. Niño Carlo Bautista, Ega Domingo, JV Vitug III, maging ang ilang mga punong-barangay sa lungsod.
Samantala ay nagpadala ng representante sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis Castro na sina G. James Santos at Bb. Angelica Laurente.