Inllunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang kauna-unahang Local Literacy Conference cum Research caravan sa Region 3 noong ika-22 ng Abril, 2024, na nabuo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU Malolos at DepEd Malolos.

Sa pananalita ni LCC Division Chief, Enrico R. Mendoza, the City Government of Malolos is ‘’On the right track’’, sa pagpapalakas pa ng kaniyang mga programa sa literasiya. Isa sa kaniyang binigyang diin ang importansya ng malakas at matibay na relasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng DepEd.

‘’Ang kolaborasyong ito ay naaayon sa isang criterion ng LCC na, ‘’participatory governance at planning’’, dagdag pa niya.

Napakahalaga aniya nito, sapagkat lahat ng mga nakuhang datos at ebidensya sa pananaliksik na ito ay maaring magamit sa paglikha ng polisiya na mas magiging epektibo, at mas angkop sa mga problema at mga isyung kinakaharap at haharapin pa ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Ayon naman kay Engelbert B Agunday, Regional ALS Focal Person, malaki aniya ang paghanga niya sa naging pagtutulungan ng LGU at ng DepED Malolos na makalikha ng isang programa kung saan ang lahat ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan ay nakabase sa kumprehensibong pananaliksik.

Sa mensahe ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D Natividad, nagbalik tanaw siya sa mga naging programa niya simula pa noong 2010. Isa sa mga nabanggit niyang programa ang paglalagay ng mga karagdagang classrooms at bagong paaralan sa lungsod upang maabot ang 1:40 ratio, mula sa 1:98 student-classroom ratio nito noong 2010.

Pinasalamatan din ng butihing Punong Lungsod ang pamunuan ng National Literacy Coordinating Council sa suporta at pagtulong nito sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang matagumpay na maisagawa ang programang ito.

Isa sa naging tampok na bahagi ng programa ang paggawad ng pagkilala sa Lungsod ng Malolos bilang isa sa mga ‘’Literacy Champion’’ sa bansa sa patuloy na pagsulong sa mga programa sa literasiya.

14 na pananaliksik ang naging bunga ng pagtutulungan sa pagitan ng Department of Education at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, na dumaan sa pagsusuri sa idinaos na Research Caravan.

Binigyang parangal ang top 5 Researches mula sa CSWDO-Population Welfare Division, BJMP, DepEd-ALS, CTECO at Tourism Division, habang nakuha nina Local Youth Development Officer Bryan Paulo S. Santiago, at Frederick John Macale ng DepEd Malolos ang parangal bilang best presenter.

Pinasalamatan naman ni Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Leilani Cunanan, ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad sa masidhing adhikain nito na mabawasan o tuluyang puksain ang problema ng Ilitiresiya sa Lungsod ng Malolos. Dagdag pa niya ang litiresiya ay hindi lamang nakakulong sa pagbabasa, pagsusulat at pagsusuma kaya’t mahalaga aniya ang ganitong programa sapagkat pinapakita nito na walang problemang hindi kayang solusyunan kung ito ay pagtutulong-tulungan.

Naging hamon naman ni LCC Division Chief Mendoza, na ito aniya ay kalahati pa lamang ng trabahong dapat na gawin, kung kaya’t pinaalalahanan niya ang lahat na gamitin ng lubos ang mga nakalap na datos upang makalikha ng mga polisiyang angkop sa problema ng Literasiya.

Dumalo at nagpakita ng suporta ang mga kinatawan ng Marcelo H. Del Pilar High School, Bureau of Jail Management and Penology, Department of Education Malolos, mga mananaliksik mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos at DepEd ALS, Genesis L. Tolentino CMLLCC Secretariat member, Mark Jayson C. Bitualia DBA, Marketing Manager REX Group of Companies, Omar Magno Executive Assistant City Mayors Office, Konsehal Niño Carlo Bautista, Pangalawang Punong Lungsod Miguel ALberto T. Bautista.