Binigyan ng mataas na pre-assesment rating ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang City of Malolos City Peace and Order Council at City Anto-Drug Abuse Council dahil sa pagiging aktibo at most functional unit nito sa Bulacan.

Ayon kay DILG Malolos Digna Enriquez CLGOO VI, nakuha nila ang highly functional rating na 91 percent ang Malolos City Peace and Order Council, habang 87.5 percent naman ang Malolos City Anti-Drug Abuse Council.

Sa ulat ni PCPT Christian Magallanes, bumaba ng 200 ang bilang ng kaso ng krimen sa Lungsod ng Malolos ngayong 2024 kumpara sa bilang na 279 noong 2023.

Sa kabuuang 51 barangay sa lungsod, 29 nito ang naideklara ng Drug Free.

Ibinahagi rin ni niya ang mga kasalukuyang isyu na kanilang kinakaharap gaya ng kakulangan sa mga radyo at antenna na kanilang pangunahing ginagamit para sa mabilis at epektibong komunikasyon tuwing may operasyon.

Sa kabilang dako, tinalaky rin sa pagpupulong, sa pamamagitan ni Adelio Asucion, Traffic Operation Officer IV ang planong isasagawa ng Malolos Traffic and Management Office, kaugnay ng mga alituntunin na ipatutupad sa paggamit ng mga e-bike.

Nag-aantay pa aniya sila ng Implementing Rules and Regulations mula sa Land Transportation Office (LTO).

Nagbigay din ng status update si Executive Assistant IV Omar Magno patungkol sa mga insisyatibo ng Batang Kalye Taskforce, kung saan kasalukuyang gumaagawa ng action plan na ibababa sa bawat baranggay.

Sa pagtatapos ay patuloy na hinikayat ni DILG Malolos Digna Enriquez CLGOO VI ang mga Kapitan, at mga kasapi ng barangay na mas maging aktibo sa pagsumite ng mga dokumento, gayundin ang pagsasagawa at pagsusulong ng mga programa na may kinalaman sa mga kampanya laban sa droga.

Pinaalalahanan din ni ABC President Vicente “Jun” G. Cruz Jr. ang mga kapitan na makiisa sa mga iba pang gawain at proyekto na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa Lungsod ng Malolos.

Dumalo at nakiisa sina, City Prosecutor Fiscal Aldrin P. Evangelista, Local Youth Development Officer Bryan Santiago, at mga kinatawan mula sa iba’t – ibang Barangay sa Lungsod ng Malolos.