Matagumpay na naisinagawa ang Cooperative Legal forum ngayong ika-8 Ng Oktubre na nakatuon sa mediation at conciliation para sa mga kooperatiba sa lunsod Ng Malolos, na pinangunahan ng Cooperative Development Authority (CDA) sa pakikipagtulungan ng City Training, Employment and Cooperative Office (CTECO). Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa layuning palakasin ang kapasidad ng mga ito sa pagresolba ng hidwaan sa mapayapang pamamaraan.
Ang pangunahing layunin ng forum ay mailahad ang kahalagahan ng mediation at conciliation bilang alternatibong paraan ng paglutas ng sigalot, partikular sa konteksto ng kooperatiba. Ang ganitong uri ng pag-uusap ay nagsisilbing tulay upang maiwasan ang mabigat at masalimuot na proseso ng legal na paglilitis, habang pinapangalagaan ang relasyon ng mga miyembro sa loob ng organisasyon.
Ano ang Mediation at Conciliation?
Mediation: Isang proseso kung saan ang isang neutral na ikatlong partido, tinatawag na mediator, ay gumagabay sa dalawang panig na may hindi pagkakaunawaan upang sila’y mag-usap at maghanap ng solusyon na parehong makabubuti sa kanila.
Conciliation: Isang pamamaraan na halos katulad ng mediation, ngunit dito, ang conciliator ay mas aktibong nagmumungkahi ng posibleng mga kasunduan batay sa mga impormasyon mula sa magkabilang panig.
Mga Highlight ng Forum
1. Papel ng Mediation at Conciliation sa Kooperatiba:
Ayon kay Marichris S. Lanorio, CDAS II ng CDA, ang mediation at conciliation ay naglalayong mapanatili ang diwa ng kooperasyon sa mga miyembro sa halip na palalain ang hindi pagkakasundo.
Binanggit niya na ang mga pamamaraang ito ay hindi lamang tungkol sa paglutas ng alitan kundi sa pagbubuo ng mas matatag na relasyon.
2. Mga Benepisyo ng Mediation at Conciliation:
Mas Pinabilis na Proseso: Kumpara sa pagdulog sa korte, mas mabilis ang mediation at conciliation na nagdudulot ng agarang solusyon.
Mas Mababang Gastos: Hindi kinakailangan ng malaking halaga dahil hindi ito kasing mahal ng tradisyonal na legal na proseso.
Pribado at Kumpidensyal: Ang proseso ay hindi isinasapubliko, kaya’t ang reputasyon ng mga partido ay nananatiling protektado.
3. Mga Kasanayan at Diskarte ng Isang Mediator:
Tinalakay pa rin ni Marichris S. Lanorio ang mga pangunahing katangian ng isang epektibong mediator—kabilang dito ang kakayahang makinig nang walang pagkiling, maging patas sa lahat ng partido, at ang pagkakaroon ng mahusay na kasanayan sa komunikasyon.
4. Simulasyon ng Mediation:
Bilang bahagi ng pagsasanay, nagsagawa ang mga kalahok ng role-playing upang maranasan kung paano magpamagitan sa isang tipikal na alitan sa kooperatiba, tulad ng usapin sa hindi pagbabayad ng loan at iba pang mga usapin na karinawang hinaharap o idinudulog sa mediation committee.
Ayon kay Mellany Catanghal, minabuti ng kanilang tanggapan na maisakatuparan ang mga ganitong klase ng pagtitipon upang ndi na kailanganin ng mga lokal na kooperatiba na tumungo pa sa regional office Ng CDA upang magtanong at humingi ng payo kung paano aayusin ang usaping sa loob ng mga kooperatiba. Na sa pagtungo sa nasabing tanggapan ay kinakailangan ding gumugol ng Pera at panahon upang maidulog sa mga kinauukulan ang kanilang mga suliranin
Dumalo sa nasabing forum Sina Atty Macy N. Marcelo, Attorney III, Marichris S. Lanorio, CDAS II, Dave Ployd M. Espinosa, CDAS II mula sa CDA Region III, Mellany D. Catanghal at mga kawani mula sa CETECO