Dinaluhan ng iba’t-ibang mga guro mula sa Schools Division Office of the City of Malolos, na binubuo ng Junior High at Senior High ang pagsasanay ukol sa Robotics nitong ika-26 ng Enero, 2024 sa Marcelo H. Del Pilar National High School, E-Library, Bagong Bayan, Lungsod ng Malolos.

Isinagawa ang pagsasanay na ito bilang bahagi ng proyekto ng SDO Malolos na pinamumunuan ni Schools Division Superintendent Leilani Samson-Cunanan, CESO V, katuwang si G. Rodrigo F. Roxas, Education Program Supervisor in Science.

Ang Division Robotics Training for Teachers ay naglalayong maitaas ang kaalaman at kalidad ng pagtuturo ng mga guro gamit ang mga makabagong pamamaraan ng komunikasyon, impormasyon, teknolohiya, at inobasyon.

Ayon kay G. Rodrigo F. Roxas, malaki aniya ang kaniyang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, upang mapaglaanan ang programa ng kaukulang budget mula sa Special Education Fund (SEF).

Dagdag pa nito, mahalaga at malaki aniya ang maitutulong ng mga makabagong teknolohiyang hatid ng Humil International Corporation upang makasabay ang mga guro sa makabagong paraan ng pagtuturo, na ginagamit na maging ng iba pang mga bansa.

Tumutugon din ang proyekto upang suportahan at mahikayat pa ang mga mag-aaral na nagbabalak kumuha ng mga kursong akma sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand, at sa kalaunan ay mas maparami pa ang mga siyentista at inhinyero di lang sa lungsod, kundi sa ating bansa.

Ilan sa mga teknolohiyang bahagi ng kasanayan ang 𝐡𝑇 π‘†π‘šπ‘Žπ‘Ÿπ‘‘ πΆπ‘œπ‘›π‘‘π‘Ÿπ‘œπ‘™π‘™π‘’π‘Ÿ, π‘†π‘œπ‘“π‘‘π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘’ π·π‘œπ‘€π‘›π‘™π‘œπ‘Žπ‘‘ π‘‡π‘Žπ‘π‘™π‘’ π‘Žπ‘›π‘‘ 𝑃𝐢, 2π‘₯ π‘ƒπ‘’π‘ β„Ž π‘π‘’π‘‘π‘‘π‘œπ‘›, 2π‘₯ 𝑋𝑆 π‘šπ‘œπ‘‘π‘œπ‘Ÿ, 2π‘₯ π‘ƒβ„Žπ‘œπ‘‘π‘œπ‘‘π‘Ÿπ‘Žπ‘›π‘ π‘–π‘ π‘‘π‘œπ‘Ÿ, 2π‘₯ 𝐿𝐸𝐷, 𝑂𝑛𝑙𝑖𝑛𝑒 π‘‡π‘’π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘–π‘Žπ‘™π‘  at mga π‘šπ‘œπ‘‘π‘’π‘™π‘’π‘  na mula sa Humil International Corporation, na siya ring nangasiwa ng pagsasanay sa mga guro.

Ayon naman sa panayam kay Engr. Rowell A. Demdam, isang guro sa pananaliksik sa Senior High School ng MHPNHS, isa sa kanilang mga pinag-aaralang proyekto ay ang pagsasaayos ng problema sa pagbaha sa Lungsod. Ang kanilang π‘šπ‘–π‘π‘Ÿπ‘œπ‘π‘œπ‘›π‘‘π‘Ÿπ‘œπ‘™π‘™π‘’π‘Ÿ na proyekto ay naglalayong magbigay ng alerto sa mga residente kapag tumataas ang tubig sa kanilang komunidad.

Binahagi rin niya ang isa pang proyekto na naglalayon namang matugunan ang usapin sa pangongolekta at pagbubukod-bukod ng uri ng basura, na maaari ring makapagbigay ng karagdagang kita para sa mga nangongolekta nito.

Sa pangwakas ay ibinahagi ni G. Roxas, ang aniyay nagkakaisang plano nila ni Mayor Natividad sa pagkakaroon ng isang Smart Hub sa Lungsod ng Malolos. Kaniyang ipinaliwanag na malaki ang maitutulong ng ganitong pasilidad upang linangin ang kakayahan ng mga Malolenyo na makalikha ng mga inobasyon na tutugon sa mga suliranin ng komunidad.