Bilang bahagi ng adhikain hinggil sa pagpapalakas ng literasiya sa Lungsod ng Malolos, matagumpay na isinagawa sa pangalawang pagkakataon ng Malolos City Information Office katuwang ang College of Arts and Letters ang Digital Literacy Seminar for Senior Citizens na may pamagat na KALinangan E-Handa.

Layunin ng nasabing talakayan ay bigyan at palawakin ang kaalaman ng mga nakatatanda patungkol sa wastong paggamit ng “Social Media” at pagsusuri ng mga “Fake News”, Phishing Links at pag-iwas sa mga”Online Scam”.

Katuwang ang ng Royal Estate Homeowner’s Association Inc., nilahukan ng mga Senior Citizen mula rito ang nasabing seminar, kung saan tinalakay ng pangunahing tagapagsalita na si Ms. Maristel P. Silva, Program Head of Broadcasting ng College of Arts and Letters ang usapin ukol sa Do’s and Don’ts at kahalagahan ng pagsusuri ng mga impormasyon na makikita sa online gaya ng; balita, email at messages na natatangap, atbp.

Binigyang diin ni Silva na dapat maging mapanuri ang bawat indibidwal na gumagamit ng “social media” upang maiwasan ang pagpapalaganap ng mga “fake news” at makaiwas sa mga “potentials scams” lalo na sa mga katandaan sapagkat sila ang mahina o vulnerable sa mga impormasyon na naa-access online.

Dagdag pa niya, huwag basta basta magpost ng mga personal details online dahil maaari itong magamit ng ibang tao sa hindi magandang bagay.

Sa ikalawang bahagi ng talakayan, ibinahagi ni Mr. Mark Mirabuenos kung paano maaaring gamitin ng mga nakatatanda ang “Facebook at Messenger.” Kabilang sa mga ipinunto niya ay: 1. Mga hakbang sa paggawa ng Facebook account at ang tamang pagsasaayos ng privacy ysettings para sa kanilang kaligtasan; 2. Pagbibigay ng simpleng mga tip para sa ligtas at maayos na paggamit ng Messenger sa komunikasyon; at 3. Pagtuturo ng mga paraan upang maiwasan ang mga mapanganib na indibidwal online at kung paano mag-report ng mga hindi kanais-nais na aktibidad sa social media.

Nagtapos sa isang magandang talakayan kung saan ang mga benepisyaryong senior citizen ay lubos na nagalak at natuwa sa kanilang natutunan sa mas episyenteng paggamit at pagkilatis ng mga impormasyon na naa-access online.

Dumalo at nakiisa sa nasabing proyekto sina Ms. Chazeline Caberos-Bautista, College Secretary, Theresa Santos, College Extension Service Unit (CESU) Head ng CAL, Maribeth Bante, Faculty at ilang mga guro at propesor ng CAL kasama ang ilang mga mag-aaral ng kolehiyo at si City Information Officer Regemrei P. Bernardo.