Alinsunod sa SK Reform Act of 2015, iminamandato nito na makiisa sa taunang pagdiriwang ng ‘Linggo ng Kabataan’ at magpatupad ng gawaing Boy & Girl Officials.

Kaugnay nang nasabing pagdiriwang, unang hakbang ng programa ay ang nominasyon at botohan para sa mga posisyon.

Ang bawat barangay ay may mga representante na nasa edad 12-17. Bibigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng isang linggong posisyon mula sa City Mayor, Vice Mayor, mga konsehal, at mga departamento sa loob ng City Hall ng Lungsod ng Malolos.

Layunin ng programa na maibahagi at maranasan ng mga kabataan kung paano magserbisyo sa publiko. Sa loob ng isang linggo, sila ay gagabayan at tuturuan kung ano ang responsibilidad ng may mga katungkulan.

Kaugnay din nito, hangarin din ng gawain na mahikayat ang mga kabataang Maloleño na maglingkod sa kapwa mamamayan at sariling lungsod.

Inaasahan na ang Linggo ng Kabataan ay magiging progresibo na magsisimula sa Agosto 8 at matatapos naman sa Agosto 12, 2022.

Ang nasabing programa ay sa pagtutulungan ng Local Youth Council at Department of Interior and Local Government (DILG)