Opisyal nang binuksan ngayong araw, ika-15 ng Enero ang Fiesta ng Republica 2024 na may temang “Kalinangang Malolenyo, Alab ng Lahing Pilipino”.

Sinimulan ang pagbubuksa sa isang banal na Misa na pinangunahan ni Monsignor Pablo Legaspi

Inaasahan ang iba’t-ibang na gawain mula ika-15 hanggang ika-28 ng Enero. Makikita ang iskedyul sa sumusunod na link, https://www.facebook.com/photo/?fbid=787532263415399&set=a.230993055735992

Kasama sa mga itatampok ang pagbabalik ng Iskulimpiks: Tagisan ng Talino, Kasarap 2: Kalutong Malolenyo, at iba pang mga kaganapan na magbibigay ng kasiyahan sa Fiesta ng Republica 2024.

Sa Mensahe ni City Tourism Division Head Director Arman Sta Ana, “Pag-alabin natin ang ating pagiging makabansa! Kaya tara na at makiisa sa pagdiriwang ng Fiesta ng Republica 2024!”

Nagtapos ang pagbubukas ng Fiesta ng Republica 2024 sa pagpapakilala ng mga kalahok ng Kulay Pamana: On the Spot Painting Competition at ribbon cutting ng One Barangay, One Product: Tiangge sa Republica kung saan tampok ang produkto ng bawat barangay sa lungsod.