
Isang masining, at kapuri-puring pag sariwa sa tradisyon ng mga Maloleño ang muling isinagawa sa lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng taunang “Flores de Malolos”, na ngayong taon ay may temang “Sampaguita ng Aming Lahi Parada ng mga Bulaklak ng Mayo.” Isang sagala na hindi lamang nagpapakita ng kagandahan, kundi lalo at higit, ng mayaman na kasaysayan at kultura ng lungsod.
Mula sa makasaysayang simbahan ng Barasoain nagsimula ang parada, at nagtapos ito sa bagong gusali ng Pamahalaang Panlungsod ng Malolos kung saan idinaos ang isang banal na misa.
Sa halip na karaniwang Reyna Elena at mga karakter mula sa relihiyosong pananampalataya, ipinamalas sa sagala ang ganda at dangal ng labing-dalawang pares ng mga ginoo at binibini mula sa iba’t ibang barangay. Kabilang sa mga lumahok ang mga sumusunod: Santisima Trinidad, Santiago, Panasahan, Pinagbakahan, Bungahan, Barihan, Mojon, Santor, Look 2nd, Cofradia, Longos, at Canalate.
Tampok din sa selebrasyon ang imahe ng Birhen de las Flores, ang Birhen ng Sto. Niño na inilahad bilang sagisag ng kagandahan, kababaang-loob, at pagiging tunay na anak ng Malolos, ngunit hindi nakaugnay sa anumang aspetong panrelihiyon.
Binigyang-diin ni G. Rolly Marcelino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng programa, na ang pagdiriwang ay hindi isang aktibidad na panrelihiyon. Aniya, “𝘐𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 𝘥𝘦 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘭𝘪𝘨𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘺𝘯𝘢, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘵𝘶𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘳𝘩𝘦𝘯 — 𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰 𝘢𝘵 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘴.”
Dagdag pa niya, “𝘈𝘯𝘨 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘦𝘯̃𝘰. 𝘚𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘨𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘚𝘵𝘢. 𝘊𝘳𝘶𝘻𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘪𝘴𝘢 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘪-𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰’𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘨𝘶𝘩𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘰 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘣𝘳𝘰, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘢𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘦𝘯̃𝘰.”
Nakiisa rin sa makasaysayang pagdiriwang sina Assistant City Administrator Gertrudes N. De Castro bilang Hermana Mayor, at si Rommel Santiago, Deputy OIC ng Arts, Culture, and Tourism Office, bilang Hermano Mayor.