‘’Maramdaman ng bawat Malolenyo ang malasakit ng gobyerno sa ating pamayanan.” – ito ang malinaw na mensahe ni Punong Lungsod Abgdo. Chrstian D. Natividad sa kaniyang pag-uulat ng unang 100 araw nitong ika- 10 ng Oktubre sa Liwasang Republika sa Lungsod ng Malolos.

Alinsunod sa kaniyang naging pahayag ay inilatag ang mga sumusunod na mga naisakatuparang proyekto at programa ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa ilalim ng administrasyong Natividad- Bautista:

Pangkalusugan

Sa pangangailangang-pangkalusugan, sa pangunguna ng City Health Office ay nagkaroon ng libreng deworm sa mga bata, libreng flu vaccine para sa mga senior citizens, medical missions, contract signing para sa libreng dialysis treatment, 165 na nanay na nagpapasuso naman ang nakatanggap ng rice incentives, 251 Batang Malolenyo na moderately wasted na benepisyaryo ng Ready to Use Supplementary Food (RUSF) at 121 Kabataang Malolenyo na acute malnourished ang nakatanggap ng Ready to Use Theraputic Food (RUTF).

Nominado rin ang dalawang kawani ng Nutrition Division na sina Rick Jason Del Rosario para sa Outstanding Nutrition Program Coordinator award at Evangeline Paguntalan para Outstanding Nutrition Officer Award sa Region 3.

Muli ring inayos ang Healthy Lifestyle and Fitness Center na bukas na sa publiko.

Pangkalikasan

Isa sa mga unang binigyang pansin ni Mayor Agila, ang Material Recovery Facility (MRF) sa lungsod, na kung saan ay sa loob lamang ng 2 araw ay nagawa na itong maisaayos at mapaganda katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Para naman sa patuloy na ikagaganda ng mga patubig, nagsagawa ng Integrated Dredging Activity katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa Malolos. Layunin ng nasabing proyekto na mabawasan ang mga lily at basura na bumabara sa mga patubig. Kabilang na dito ang paglalagay ng mga trash traps sa mga katubigan sa Lungsod.

Kasanayan sa Pagresponde sa Paghahanda sa Sakuna at Kalamidad

Nagkaroon ng mga first aid at ambulance training sa 51 barangays at earthquake drill, at climate change workshop upang maging maalam sa pagbabago ng panahon at kung paano maaagapan ang mga pangyayaring hindi kontrolado ng tao.

Nang tumama ang Bagyong Karding ay agaran ding nagsagawa ng relief operation para sa mga nasalanta nang nasabing bagyo.

Gayundin ang pagsasaayos at pagpapaganda ng Material Recovery Facility (MRF) sa Brgy. Matimbo. Sa loob lang ng 2 araw ay naisaayos at nalinis ang nasabing facility.

Edukasyon

Ayon kay Natividad, mahalaga ang kaligtasan ng mga mag-aaral kaya namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng mahigit 48,000 na mga bag, school supplies, safety at hygene kit.

Dagdag pa niya na sa halagang PhP 21,090,500, 6,752 kabataang Malolenyo ang tatanggap ng scholarship mula sa a Pamahalaang Lungsod.

Nagbigay-tulong din ang Pamahalaang-Lungsod sa mga paaralan upang mapagawa at repair ang mga ito bilang paghahanda sa face-to-face class.

Ipinagmalaki rin niya ang pagkilala sa Lungsod ng Malolos bilang kasama sa top 5 sa National Literacy Award (NLA)

Pangkabuhayan

Ang pagkakaroon ng pangkabuhayan ang isa sa nais pagtuunan ng pansin ni Natividad kaya naman sa loob ng isang daang araw ay nakapagsagawa na siya ng mga programang makapagpapaangat sa buhay ng mga Malolenyo.

Isa na rito ay ang Puni making, 165 na Special Program for Employment of Students (SPES), 165 na Government Internship Program, Government Internship Program, TUPAD beneficiaries at iba pa.

Mayroon ding 300 Malolenyo workers na ipapadala sa South Korea kung saan libre lahat ng gagastusin at titirhan doon.

May mga nakapagtapos na rin mula sa iba’t ibang programa tulad ng 19 na gradweyt ng Food & Beverage Services NCII, 24 na gradweyt ng Shielded Metal Arc Welding NCII, 38 na gradweyt ng Bread & Pastry Production NCII, 20 Beauty Care NCII, at 20 gradweyt ng Chair Massage with Reflexology.

Peace & Order

Isa sa isinusulong ng administrasyong Natividad-Bautista ay ang peace and order.

Inilunsad ang kauna-unahang City Explosive and Canine Unit (CECU) sa lalawigan ng Bulacan. Sumailalim din sa drug testing ang mga kawani ng mga barangay at Pamahalaang Lungsod upang masigurado na malinis ang hanay ng mga empleyado. Kaalinsabay nito ay ang muli ring pagbuhay ng 51 Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)

Matatandaang nagbigay din ng 300k na pabuya sa pagkakahuli sa pumatay kay Princess Diane Dayor at 100k na nakatulong sa agarang pagkakaturo at pagkakahuli sa isang rapist sa nagtago sa probinsya.

Kaugnay nang suporta at pagiging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mabilisang pagkakaresolba sa mga kaso, binigyang-pagkilala si Punong Lungsod Christian D. Natividad ng Provincial at Regional Command.

Binigyan din ng karagdagang 8 motorsiklo ang PNP Malolos na makatutulong sa mobility ng ating kapulisan sa kanilang mga isinasagawang operasyon.

Mga Panukalang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod

Ayon kay Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, sa isang daang araw sa panunungkulan ay nakapagtibay na ng 160 resolusyon na may kinalaman sa pagsusulong ng pag-agrikultura, negosyo at iba pa ang Sangguniang Panlungsod.

May naipasa na rin na 6 na City Ordinance na nakapagbibigay ng development at trabaho para sa ikagaganda ng ekonomiya sa pagtutulungan ng Ehekutibo at Lehislatura.

Kabilang sa mga resolusyon na pinagsumikapan na maipatupad sa pangunguna ni Punong Lungsod Natividad mula sa City Ordinance No.10-2020 ay ang pagbibigay ng cash assistance sa mga lehitimong kasapi ng TODA.

Inapbrubahan din ng Sangguniang Panlungsod ang pagpaagawa ng Malolos Sport and Convention Center upang muling mapakinabanggan ng mga manlalarong Malolenyo.

Imprastraktura

Kabilang sa mga proyektong nagawa ng City Engineering Office ay ang pagsasaayos ng Senior Citizen Center, Malolos Police Station, at CDRRMO.

Kabilang din dito ang pagsasaayos sa 57 elementary at high school sa lungsod tulad ng mga classroom saan kabilang dito ay ang mga classroom at iba pang pasilidaad sa mga paaralan.

Awarded na rin for implementation ang mga proyekto sa Atlag-Concreting of Road, Mabolo-Rehabilitation of Road, Bangkal-Upgrading of Road, Canalate-Upgrading of Road, Bagna-Upgradinng of Pathway, Santor-Construction of Pathway, Look 1st- Construction of Drainage, Sto.Rosario-Upgrading of Road,Sumpang Matanda-Concreting of Road, Bulihan- Development and Construction of Main Drainage, Public Market Wet Section Rehabilitation, Hauling of Solid Waste to Landfill,Robotics kit procurement, at seech lab procurement of equipment.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang 20 infrastructure project na sasalang sa bidding

Pang-agrikultura

Katuwang ang Department of Science and Technology (DOST) ay nakapag-turn over ng Brown Rice Impeller sa Samahan ng mga Magsasaka sa Malolos. Gayundin ang pamamahagi ng libreng pataba sa 420 na magsasaka habang 1,400 na magsasaka naman ang tumanggap ng certified seeds.

Mula sa programa ng BFAR na Fuel Subsidy, kabilang ang 174 na mangingisda na tatanggap ng nasabing benepisyo.

Naipagawa rin ang patrol boat upang magamit ng mga Bantay Dagat sa pagpapatupad ng Fishery Ordinance, Fishery Code na nagbibigay proteksyon sa ating likas na yaman.

Mga karagdagang proyekto sa pagpapaunlad ng 10-hectare land ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos

Pagkakaroon ng ng bike parking racks sa paligid ng munisipyo at pagpapaunlad pa ng Bancheto.

Ayon kay Natividad, magkakaroon din ng Amphitheater, skate park, 3 open basketball court, at tennis court.

Mga karagdagang proyekto na naisakatuparan ng iba’t ibang anggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos

City Veterinary Office

Nagkaroon ng libreng anti-rabies para sa mga alagang aso’t pusa sa bataw barangay.

Mayroon ring dog pound kung saan dinadala ang mga nahuhuli na gumagalang aso sa mga kalsada. Sa nasabing dog pound ay maaaring magampon ng mga inabandona at hindi na hinahanap ng may-ari.

Inilunsad din ang kauna-unahang Malo-Pets kung saan tampok ang iba’t ibang hayop at serbisyo tulad ng free grooming at vaccine.

Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay nagkaloob ng daycare modules sa 2,500 na bata na nasa 3-4 taong gulang.

Samantala, ang Population Division naman ay nagkaroon nLibreng ligation para sa 34 na kababaihan, vasectomy para sa 2 lalaki at 60 katao naman sa subdermal implant.

Nagdaos din ng Responsible Parenting Seminar para sa 500 myembro ng 4ps. Habang nakatanggap ng ayuda ang 33 batang ina.

Binigyang-pagkilala rin ang Local Civil Registry bilang One of the most outstanding and most innovative local civil registry in the Philippines.

Ipinahayag din ni Natividad ang decentralized information dissemination at pag-iinnovate ng feedback mechanism ng City Information Office sa pamamagitan ng paggamit ng iba-ibang midya platforms.

Samantala, ang City Legal Office sa loob lang ng 100 araw ay nakagawa na ng 50 executive order ang legal office. Nagsagawa rin ng Libreng Seminar tungkol sa Violence Againsts Women and Children Alternative Dispute Resolution.

Ang BPLO Division naman ay nagsagawa ng mga programang DOST Food Technology Forum, Booth ng BPLO nag-3rd Place Best Seller sa Buffex 2022, at Lakbay-Aral sa Bulacan Packaging Service and Toll Packing Center.

Ang mga Indigent Senior Citizen ay nakatanggap ng grocery package at cash assistance bilang bahagi ng selebrasyon ng Elderly Month.

Ang City Sports Division naman ay nagsagawa ng MCDN Cup 2022 Inter Barangay Basketball Tournament, 2,412 player, 189 teams at 48 na barangay.

Kabilang din ang Lungsod ng Malolos sa National Age Group Chess Championships Grand Finals ng National Chess Federation of the Philippines.

Sa pagtatapos ay naging hamon ni Mayor Agila na ipagpatuloy ang pagtulong sa pamayanan, at sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mapagtatagumpayan ang anumang problemang maaaring pagdaanan.

Ani Natividad, ‘’Magkakatuwang tayo dito sa laban nating ito. Papatunayan natin na totoo ang isang bayang may malasakit ay isang bayang dakila!’’

‘’Dakila ang Bayang may Malasakit sa kaniyang Mamamayan!’’