Ang proyektong ito ay bahagi ng adhikain ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos katuwang ang Local School Board at DepED upang lalo pang itaas ang antas ng edukasyon sa lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad ng mga paaralan.
Ang P8 Million proyekto na ito ay inaasahang magsasaayos at magpapaganda ng school ground ng CMIS na may sukat na 11,000 SQ.M kasama rin ng Upgrading and concreting of parking, road and covered court na may sukat na 2,730 SQ.M. Sa pag-uulat ni City Administrator Luisito Zuñiga, naging possible ito dahil sa maayos na proseso ng bidding at pamamahala sa pondo ng pamahalaan.
Sa mensahe ni Mayor Bebong Gatchalian, binanggit niya ang iba pang mga proyekto para sa CMIS-Sto. Rosario katulad ng pagpapatayo ng Faculty Center para sa mga guro at pagsasaayos ng SPED Building. Nagpasalamat din siya sa mga guro sa kanilang walang sawang pagtupad ng kanilang tungkulin. Sa huli, kaniyang sinabi na anoman ang mangyari ay patuloy siyang nakasuporta sa mga guro at sa sektor ng edukasyon sapagkat nasa kanilang mga kamay ang kinabukasan ng ating lungsod.
Ayon naman kay Kon. Niño Bautista – Chairman, Committee on Education, ang CMIS Sto. Rosario ang isa sa pinaka-matandang paaralan sa Lungsod ng Malolos na noo’y kilala bilang Malolos Central School. Ang pagsasaayos ng mga pasilidad ng nasabing paaralan ay naglalayon na lalo pang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa Lungsod.
Ang nasabing ground breaking ceremony ay dinaluhan rin nina Kon. Ega Domingo, Kon. Rico Capule, mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, Kap. Carlito Cruz – Punong Barangay, Sto. Rosario, Dra. Cynthia Briones Ph.D- Chief Education Supervisor,DepEd Malolos, Dra. Nova Santiago – Principal, CMIS-Sto. Rosario, Plt.Col. Christopher Leano- PNP Malolos at CINSP Roderick Marquez – BFP Malolos.