Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng City of Malolos Housing Project 2023-2025 sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program sa Brgy. Santor, Lungsod ng Malolos, Bulacan na pinangunahan nina Undersecretary Engr. Wilfredo Mallari, Assistant Secretary Johnson Domingo, Mayor Christian D. Natividad, City Administrator Joel Eugenio at City Planning and Development Coordinator Engr. Eugene N. Cruz.
Ang 4PH ay isa sa mga prayoridad na programang isinusulong ng Pamahalaang Nasyunal sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Isa ang Lungsod ng Malolos na nakabilang sa mga unang Lokal na Pamahalaan sa Bulacan na napasinayaan nitong ika-19 ng Abril, 2023.
Ang apat na palapag na gusali na itatayo sa 2.6 na hektarya na lupa sa Brgy. Santor ay inaasahang makapaglalaan ng 675 units. Ito ay maipagkakaloob sa mga Malolenyong maaaring maging benepisyaryo nito, katulad ng mga naninirahan sa danger zones, mga walang sariling tahanan, low income earners at informal workers.