Halos 200 Force Multipliers sa Lungsod ng Malolos, binigyang pagkilala at parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos nitong ika-28 ng Pebrero

Ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos at Philippine National Police Malolos ay nagpahatid ng buong pusong pasasalamat sa kabayanihan at kusang loob na serbisyo ng mga Volunteer Groups na gumampan bilang mga Force Multipliers ng Lungsod ng Malolos.

Bukod sa iginawad na sertipiko ng pagpapahalaga, ay namahagi din ang Pamahalaang Panglungsod ng Facemask at Tactical Flash Light na kanilang magagamit sa mga operations at isinasagawang checkpoints.

Sa mensahe ni Mayor Bebong, binigyang halaga niya ang naging partisipasyon ng mga Force Multipliers sa pananatili ng katahimikan, katiwasayan at kaayusan sa ating lungsod, lalong lalo na sa panahon ng pandemya. Ayon din sa kanya ang naipamigay na kagamitan ay panimula pa lamang, ngunit patuloy pa din ang magiging pagtulong at pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod upang lalo pang mapainam ang pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin. Kasama din sa binigyan ng parangal ang ilang mga Brgy Tanod at mga Security Guard.

Nagsidalo sa naturang programa sina PMAJ Mariza B. Gepana DCOPA, PMAJ Rolando B. Guzman DCOPO, PLTCOL Christopher A. Leano Acting Chief of Police kasama ang ilang miyembro ng ating kapulisan. Dumating din si Konsehal Ega Domingo at Punong Lungsod Gilbert “Bebong’ Gatchalian.