Noong Ika-10 Ng Abril ay ipinagdiwang ang ika-158 kaarawan ni Heneral Isidoro Torres sa GITMES.

Bilang paggunita, ay nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng ating bayani, na sinundan ng gun salute mula sa mga kinatawan ng ating pulisya.

Naging sentro ng mensahe ng mga konsehal na sina Ayee Ople, Niño Bautista, Noel Sakay at Troi Aldaba ang kahalagahan ng mga nagawa ng ating Heneral, at kung paano ito nakapagbibigay ng inspirasyon sa bagong henerasyon sa ating lungsod.

Sa naging pahayag naman ng kinatawan ni Mayor Christian D. Natividad na si City Legal Officer Atty. Cyrus Valenzuela, ‘’…patuloy dapat turuan at gabayan ang ating mga Kabataan, at manatiling maliwanag na pag asa ng ating bayan.’’

Bilang tugon ay nagpahayag naman si Atty. Topee Torres, apo sa tuhod ni Hen.Isodoro patungkol sa kahalagahan ng naging sakripisyo ng kanyang lolo upang maging malaya ang ating mga kababayan.

Natapos ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang parada ng banda patungo sa isa pang dambana ng heneral.

Kabilang sa mga dumalo ang ilan pang mga kaanak ng Heneral, mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.