Ika-19 ng Enero, nagbabalik muli ang Iskulimpiks 2: Tagisan ng Talino kaalinsabay ng pagdiriwang ng buwan ng Fiesta Republika na may temang “Kalinangang Malolenyo, Alab ng Lahing Pilipino.

Ang huling iskulimpiks ay naganap bago mag pandemya at may layunin na magbigay kaalaman sa bawat mag-aaral at guro patungkol sa kasaysayan ng Lungsod ng Malolos.

Ang Iskulimpiks 2: Tagisan ng Talino ay nilahukan ng 10 public school sa Lungsod ng Malolos na binubuo ng 4 na miyembro.

Ilan sa mga “historical places” na naging “checkpoint station” ay ang Lumang City Hall ng Malolos, Historical Marker of Women’s of Malolos, Don Luis Santos House, Kalayaan Tree sa Malolos Cathedral, Casa Real, Barasoain Church at New City Hall of Malolos kung saan ay may mga tanong tungkol sa kasaysayan ng malolos na kailangang masagot upang makausad sa susunod na “checkpoint”

Nakamit ng Marcelo H. del Pilar National High School – Senior High and pinakamabilis na oras sa pagtapos sa nasabing tagisan ng talino sa loob ng labing-pitong minuto (17mins), sinundan ito ng Pamarawan High School sa loob ng dalawampung minuto (20mins) at ng MHPNHS – Junior High sa loob naman ng dalawampu’t dalawang minuto (22mins).