Isinagawa sa pangunguna ng City Traffic Management Office kasama ang City Information and Technology, City Engineering Office, City General Services Office, Provincial Engineering Office at Department of Public Works and Highways Region III ay matagumpay na naisagawa ang unang araw ng inspeksyon ng mga stoplights sa Lungsod ng Malolos.

Layunin ng Joint Observation na obserbahan at makabuo ng konkretong plano sa mas maayos na daloy ng trapiko. Nagkaroon din ng π‘΄π’‚π’„π’‰π’Šπ’π’† π‘°π’π’”π’‘π’†π’„π’•π’Šπ’π’ na siyang nagkokontrol ng mga stoplight sa mga critical area gaya ng Malolos Capitol, Dakila, Marcelo, at San Pablo.

Isinagawa rin ang ilang π’‚π’…π’‹π’–π’”π’•π’Žπ’†π’π’•π’” kasabay ng joint observation sa mga stoplights ng mga lugar kung saan naiipon at napupuno ang mga sasakyan.

Magpapatuloy ang Joint Observation hanggang ika – 26 ng Marso, taong kasalukuyan.