
Ngayong ika-30 ng Agosto, ginanap ang kauna-unahang Malolenyo Youth Awards (MYA) sa BarCIE International Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, sa pamamagitan ng Local Youth Development Council, sa pangunguna ni Bryan Paulo S. Santiago.
Ang proyektong ito ay ginanap upang bigyan ng parangal ang mga kabataan sa kanilang husay at galing na ipinakita sa paglilingkod para sa komyunidad.
Sa panimula ng programa ay pinasalamatan ni SK Federation President Patrick Dela Cruz sina Mayor Christian D. Natividad, City Administrator Joel S. Eugenio, Vice Mayor Migs T. Bautista, ang mga SK Chairpersons, maging ang LYDC sa naging pagsuporta nito sa mga kabataan.
Aniya, “Hindi po tayo nakikipag paligsahan sa youth organization sapagkat katulong po natin sila upang mapabuti ang kaunlaran at kaligtasan ng baranggay”.
Kaniya ring hinikayat ang mga tatakbo sa darating na eleksyon na patuloy na maglingkod sa komyunidad, kung sakaling hindi man sila palaring manalo.
Sa pambungad na pananalita naman ni City Administrator Joel Eugenio, kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng isang malinis na liderato. “Let us promote and help yung mga kasamahan natin na mapabilang sa isang makabuluhan at malinis na paninilbihan.”
Ang mga parangal ay nahati sa walong kategorya at ito ay ang Malolenyo Youth Leadership and Service, Appreciation Award for SK Chairperson, Special Award on COVID-19 Response for SK Council, Top 30 Youth Award for Excellence in Development Work, Top 20 Outstanding SK Council Award, Top 5 Outstanding SK Project Award, at Top 5 Outstanding SK Chairperson Award.
Ang mga pinarangalan para sa Malolenyo Youth Leadership and Service Commitment Award ay ang mga opisyal na Panglunsod na Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Malolos:
1. Hon. Raymart T. Cruz – Sgt At Arms
2. Hon. Jessa Fe C. Meneses – P.R.O.
3. Hon. Meryll L. Flaviano – Auditor
4. Hon. Miel Arthem B. Agustin – Secretary
5. Hon. Piolo Chrisan P. Romero – Vice President
6. Hon. Patrick S. Dela Cruz – President
Para naman sa Appreciation Award, ginawadan ng parangal ang mga Sangguniang Kabataan Chairperson mula sa mga sumusunod na mga barangay, sila rin ay tatanggap ng special award para sa COVID-19 Response noong nakaraang pandemya:
1. Brgy. Anilao
2. Brgy. Atlag
3. Brgy. Babatnin
4. Brgy. Bagna
5. Brgy. Bagong Bayan
6. Brgy. Bungahan
7. Brgy. Caingin
8. Brgy. Calero
9. Brgy. Canalate
10. Brgy. Catmon
11. Brgy. Guinhawa
12. Brgy. Liang
13. Brgy. Mambog
14. Brgy. Masile
15. Brgy. Pinagbakahan
16. Brgy. San Agustin
17. Brgy. Santiago
18. Brgy. Sto. Niño
19. Brgy. San Vicente
20. Brgy. Taal
Ang mga naturang baranggay naman ay nakatanggap ng parangal para sa Top 30 Youth Award for Excellence in Development Work, Special Award on COVID-19 Response, at Finalist Award for Outstanding Sangguniang Kabataan Council:
1. Brgy. Bangkal
2. Brgy. Ligas
3. Brgy. Look 2nd
4. Brgy. Mabolo
5. Brgy. Vmatimbo
6. Brgy. Namayan
7. Brgy. Niugan
8. Brgy. Panasahan
9. Brgy. Sumapang Bata
10. Brgy. Tikay
Para naman sa Top 20 Outstanding Sanggunian Council Award na may kaakibat na pagtanggap ng Appreciation Award bilang SK Chairperson, Special Award on COVID-19 Response, at Finalist for Outstanding SK Council:
1. Balayong
2. Balite
3. Barihan
4. Bulihan
5. Caliligawan
6. Caniogan
7. Cofradia
8. Dakila
9. Longos
10. Look 1st
11. Lugam
12. Mojon
13. Pamarawan
14. San Gabriel
15. San Juan
16. San Pablo
17. Stma. Trinidad
18. Sto. Rosario
19. Santor
20. Sumapang Matanda
Para naman sa Top 5 Outstanding Sanggunian Kabataan Chairperson Award nakatanggap ang mga SK Chairperson:
1. Hon. Miel Arthem B. Agustin Mula Sa Brgy. Longos
2. Hon. Kimberly B. Sacdalan Mula Sa Brgy. Dakila
3. Hon. Ruzzel C. Acuña Mula Sa Brgy. Caniogan
4. Hon. Anna Mariel P. Roque Mula Sa Brgy. Cofradia
5. Hon. Joselyn C. Ramos Mula Sa Brgy. Caliligawan
Sa Top 5 Outstanding Sangguniang Kabataan Project Award:
1. Kabataan Identification Card (Kid Card) – Brgy. Dakila
2. Boteskwela Project – Brgy. Mojon
3. Floating Community Pantry – Brgy. Longos
4. Sk Negokart Project – Brgy. San Gabriel
5. Project Cali (Caliligawan Assistance In Learning AndInnovation) – Brgy. Caliligawan
Ginawaran din ng Appreciation Award si Kgg. PATRICK S. DELA CRUZ, ang SK Federation President ng City of Malolos.
Para naman sa Youth Inspiration Award ginawaran sila:
1. Mr. Romar S. Almoguez – National Senior Scout Youth Representative
2. Ms. Jack Danielle Animan – 32nd Sea Games Silver Medalist (Women’sBasketball)
3. Coach Geli Bulaong – 32nd Sea Games Silver Medalist (Women’s Combat)
4. Ms. Khryss Nichole Javier Go – Crowed As Miss Aura Philippines 2023
5. Mr. John Joshua P. Cudia – Natatanging Lingkod Bayan (School Head Category)
Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Christian D. Natividad sa mga dumalo upang ipaalala ang ang kahalagahan ng kabataan sa pagbubuo ng nasyon.
Sa kaniyang paniniwala, magiging pag-asa lamang ng bayan ang mga kabataan, kung sila ay matuturuan ng tama, at masasama sa mga taong mabibigyan sila ng gabay. Binigyang diin din niya na ang kabataan ay isa sa pinakamalaking aspeto kung bakit nagkakaroon ng pagbabago at pag-unlad sa mundo.
“Sa ngayon, malaki ang factor ng mga kabataan— our global scene is dependent on every young human being that the world has— the world is run by our children.” Ani Natividad.
Ang Gawad Parangal ay nagtapos sa paganunsiyo ni LYDO Santiago sa nalalapit na paglulunsad ng ‘Malolenyo Youth Great Green Wall’ bilang tugon sa hamon ng usapin sa ‘’Climate Change’’